Wednesday, November 11, 2020

Bagong Sasakyan, Regalo ng Isang Anak Para sa Magulang na Sumuporta sa Kanya


Hindi matutumbasan ng anumang bagay ang sakripisyo ng mga magulang para sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Kaya naman, ang kahit papaano ay makabawi sa mga sakripisyong ito ang isa sa pinakamagandang gawin ng isang anak.

Maraming mga netizen ang naantig sa regalong ito ng isang anak sa kanyang ama na sumuporta sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa pagtatayo ng kanyang negosyo.

Trending kamakailan lang ang Facebook post ni John Ebreo kung saan, ibinahagi niya ang regalong kanyang binili para sa kanyang ama. Isang bagong sasakyan ang handog ni John  para sa tatay na nagbenta dati ng sasakyan nito para suportahan ang kanyang negosyo.

Sa edad na 25 taong gulang, maliban sa pagiging isang seaman ay nakapagpatayo na ng negosyong gasolinahan si John. Ngunit, ang malaking tulong mula sa kanyang ama ang isa sa mga malaking dahilan kung bakit napagtagumpayan niya ang pagnenegosyo.

Ibinenta lang naman nito ang kanyang Innova noong Abril upang suportahan ang kakabukas pa lamang na gasolinahang negosyo ni John noong Mayo.

Kaya naman, upang makabawi sa sakripisyong ito sa kanya ng kanyang tatay, plano sana ni John na bilhan ito ng bagong sasakyan sa ika-60 nitong kaarawan. 


Ngunit, dahil sa maganda ang takbo ng kanyang negosyo at maraming biyaya na dumating sa kanya, napagdesisyunan niyang huwag nang hintayin pa ang ika-60 kaarawan ng kanyang tatay sa 2022 at bilhin na lamang ngayon ang bagong sasakyan na para rito.

Kaya naman, bilang regalo pa rin sa darating na ika-58 na kaarawan ng kanyang tatay, isang bagong bagong sasakyan ang handog niya rito bilang pasasalamat na rin sa lahat ng sakripisyo nito sa kanya.

“Tatay will turn 58th on November 30. And he sold his Innova last April, dahil tinulungan nya ako financially to establish and operate  business. Sabi ko sa kanya, reregaluhan ko nalang sya ng Brand new car on his 60th birthday on 2022…

“At dahil sa umaapaw na biyaya, ito na po ang aming munting regalo sa inyo. Happy 58th birthday tatay! Deserve mo ang BRAND NEW CAR na ito dahil sa mga sakripisyong ginawa mo. Mahal ka namin palagi Tatay,” ani pa ni John sa kanyang Facebook post.

Dagdag pa ng batang negosyante, nagdalawang-isip pa umano ito noong una kung itutuloy ba ang pagbili rito ng bagong sasakyan dahil baka pagalitan lamang siya. Sa panahon kasi ngayon na mayroong pandemya, alam niyang mas prayoridad ang mag-ipon at magtipid.

Ngunit, natuwa ito nang pumayag ang kanyang nanay na bilhan niya ng sasakyan ang kanyang tatay. Dito, itinuloy na ni John ang plano at natupad na ang pangako niyang bibilhan ito ng bago o brand new na sasakyan.

Dahil sa kabutihang ito ni John sa kanyang magulang kaya umani ito ng kabi-kabilang papuri mula sa mga netizen. Ani ng mga ito, ang mga anak na katulad ni John ang siyang dapat na tularan at pamarisan ng iba pang mga anak.


Inspirasyon ito para sa iba na huwag kalimutan ang mga ginawang sakripisyo ng mga magulang at kahit sa anong paraan, magsikap na maibalik dito ang kanilang sakripisyo at pagmamahal.

Source: kickerdaily

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment