Monday, November 23, 2020

Jessy Mendiola, Sinupalpal ang Nagpakalat ng Fake News Tungkol sa Kawalang Respeto raw Nito sa Yumaong si Rico J. Puno


Hindi pinalampas ng aktres na si Jessy Mendiola ang isang ikinakalat na fake news tungkol sa kanya kamakailan lang. Ang fake news na ito ay tungkol daw sa kawalan ng respeto ni Jessy sa yumaong singer na si Rico J. Puno matapos kumalat ang isang larawan ng aktres.

Ang larawang ito ay isang pekeng screenshot ng isang larawan ni Jessy na nakasuot ng bikini. Sa naturang larawan, mayroong nakasaad na ‘RIP Rico J. Puno’.

Ang nasabing larawan ay pinapalabas na galing mismo sa aktres ang naturang post. Kahit hindi kapani-paniwala na nagawa itong ipost ng aktres, mayroon pa ring iilan na naloko at naniwala sa fake news na ito. Ang resulta, dagdag pambabatikos na naman ang natanggap ng aktres.

Kaya naman, hindi pinalampas ni Jessy ang fake news na ito at sinupalpal ang sinuman na nasa likod ng pagpapakalat nito sa social media.

Sa Instagram, kinlaro ni Jessy na peke o fake news ang naturang larawan. Dito, ayon pa kay Jessy ay ‘tanga’ lamang daw ang maniniwala na siya mismo ang nagbahagi ng nasabing larawan at caption. Dagdag pa ng aktres, itigil na raw ng mga ito ang pagpapakalat sa naturang larawan dahil bukod sa peke ito, pagbibigay respeto na rin umano ito para sa pumanaw na beteranong mang-aawit.


“Guys, tanga na lang maniniwala na I posted this. Please refrain from retweeting or reposting this. Edited pic. Respeto naman sa sumakabilang buhay,” saad pa nga ni Jessy.

Hindi na bago para sa aktres ang makatanggap ng iba’t-ibang pambabatikos at gawan ng sari-saring fake news. Ngunit, kung dati-rati ay takot na takot ang aktres at nagpatalo ito sa mga ibinatong panghuhusga ng mga ito sa kanya, ngayon ay hindi niya na ito hinahayaang mangyari at nilalabanan niya na ang mga ito lalo na’t siya naman ang nasa tama.

Ang fake news na ito ay isa lamang sa marami pang ibang mga pinagdaanan ng aktres na pilit ibinabato sa kanya. Ngunit, hindi gaya ng dati ay kaya na ngayong lumaban ng aktres at ipagtanggol ang sarili.

Sa kasalukuyan, masaya ang aktres sa boyfriend nitong si Luis Manzano. Ilang taon na rin ang relasyon ng dalawa kaya maging ito ay binabahiran din ng isyu ng mga bashers ni Jessy. Hindi rin kasi sekreto na dating karelasyon ni Luis si Angel Locsin kaya kahit hiwalay na ang dalawa, pinupunterya pa rin ng mga pambabatikos si Jessy.

Gayunpaman, takot man dati dahil sa panghuhusga ng mga tao ay mas matapang na ngayon ang aktres na gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya kahit na hindi ito maintindihan ng ibang tao. Pagbabahagi pa noon ni Jessy, naging parte rin ng malaking pagbabago na iyo sa kanya ang boyfriend na si Luis.


“I was afraid to do so many things that made me happy because I was worried that others would judge me… 

“But finally, it has ended. I finally feel at peace… I am not afraid anymore. I’m taking the leap. I am free,” pagbabahagi pa dati ni Jessy sa kanyang pinagdaanan.

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment