Monday, November 23, 2020

Dating Beauty Queen, Pinasok ang Industriya ng Pagkanta Ngunit ‘Hate’ Daw ang K-Pop


Kontrobersyal ang inilabas na mga pahayag ng dating beauty queen at Miss Earth Philippines na si Imelda Schweighart tungkol sa umano’y pagkadisgusto niya sa K-pop. Isa na ngayong singer si Imelda kung saan, mapapakinggan sa Spotify ang kanyang mga singles.

Sa sunod-sunod na mga Facebook post ni Imelda nito lamang Lunes, ika-23 ng Nobyembre, inihayag nito na bukod sa ‘hate’ niya ang K-pop ay nawawala umano ang ‘identity’ ng mga Pilipino dahil sa masyadong pagkahilig ng mga ito sa K-pop.

“I hate K-pop,” diretsahang ani pa ni Imelda.

“Filipinos are losing their identity trying to be like Koreans. Konting pride, please?

“Di hamak na mas magaling naman mag-English mga Pinoy kesa Korean. Kala ko ba Chinese nananakop? I think we're getting it wrong. Lagi nalang tayo sinasakop,” dagdag pahayag pa nito.

Dahilan naman ito para atakihin ang dating beauty queen ng mga pambabatikos lalo na mula sa mga fans ng K-pop. Bilang sagot sa isa sa mga netizen na nambatikos sa kanya, tinumbok ni Imelda ang umano’y ‘opression’ na nagaganap sa industriya ng K-pop at maging ang pagsailalim daw ng mga ito sa plastic surgery.

“Instead of seeing it in a way where they make hit charts therefore we should patronize, see it in a way where we deserve to make it as Filipinos and don't sleep on how talented we are… 


“Haven't you seen the oppression and slavery on Korean artists? The processes and suffering for entertainment… I'm not sure if anyone can identify them but if anyone could, it's imagining what you could look like after heavy plastic surgery. It's altering the children's minds to alter how they look... and it's carving the next generation's minds…,” pahayag pa ulit nito.

Dagdag pa ni Imelda, dahil sa mga ito ay ‘insecurity’ umano ang itinuturo ng K-pop. Ani nito, nais niya lamang umano na i-promote ang sariling atin. Saad pa nga nito,

“Insecurity is what they sell. They are not promoting self-love… I want to see us carve our own lane, promote self love, acceptance for shapes and sizes without too much compromise and sacrifice as entertainers. Diversity, for once!”

Ngunit, hindi tinigilan ng pambabatikos si Imelda ng mga netizen na mayroong salungat na pananaw. Ani ng mga ito,hindi porket tinatangkilik nila ang K-pop ay hindi na nila sinusuportahan ang sariling atin na musika at ang kanilang pagka-Pilipino.

Sa Twitter, saad pa nga rito ng Human Rights Activist na si Francis Baraan IV,

“Dear Imelda Schweighart… Just b/c Pinoys love K-Pop, doesn't mean they're already losing their identity. Appreciating K-Pop doesn't make Pinoys less Pinoy. On the other hand, you hating K-Pop doesn't make you more Pinoy— that just makes you look like a XENOPHOBIC, ELITIST SNOB.”


Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan ng publiko si Imelda. Minsan na rin itong naging kontrobersyal matapos kumalat ang video nito kung saan, makikitang sinisiraan nito si Miss Earth Ecuador na siyang nakalaban niya at nanalo sa Miss Earth 2016.

Matapos nito ay nagbitaw si Imelda bilang Miss Earth Philippines nang naturang taon.

Source: facebookgmanetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment