Monday, November 23, 2020

Marco Gumabao, Tinanggihan ang Offer na Php2M Kapalit ng Paghuhubad Nito sa Isang Photoshoot


Sa pinakunang vlog na ibinahagi ng aktor na si Marco Gumabao sa kanyang YouTube channel, ilang mga tanong mula sa mga netizens ang kanyang binigyan ng sagot. Isa sa mga tanong na ito para sa aktor ay tungkol sa kung naranasan na ba daw nitong makatanggap ng isang ‘indecent proposal’.

“Hello Marco Gumabao! Have you ever received an indecent proposal?” tanong pa rito ng isang netizen at fan ng aktor.

Hindi naman nagdalawang isip ang aktor na sagutin ang tanong na ito at ibinahagi pa nga ang isa niyang karanasan nang makatanggap ito ng isang indecent proposal mula sa isang taong minsan niya na ring nakilala.

Ayon sa aktor, bagama’t ilang mga indecent proposal na dati ang kanyang natanggap, mayroong isa sa mga ito na talagang nabastusan daw ang aktor kaya agad niya itong tinanggihan.

“To answer your question, oo. May mga nakuha na ko dating mga indecent proposal. Pero siguro ‘yung pinaka nabastusan ako… yung pinaka hindi ko talaga nagustuhan, kung paano niya sinabi sa akin. 

“Gusto niya akong mag-pose nang nude para sa isang photo shoot,” pagbabahagi pa nga ng aktor.

Matapos malaman ang gustong ipagawa sa kanya ng naturang tao, tinanong iya raw ito kung para saan ang naturang paghuhubad niya sa isang photoshoot. Ayon naman dito, personal lamang daw ang naturang photoshoot at walang kinalaman sa anumang brand o magazine.


Dahil dito kaya agad na naintindihan ni Marco ang ibig sabihin ng naturang tao. Hindi nagustuhan ni Marco ang hinihingi nito kaya walang pagdadalawang-isip na agad niya itong tinanggihan.

“Sabi ko, ‘Bakit? Para saan? Brand ba ito? Para saang magazine ba ito?’ Sinabi niya sa akin na parang, ‘Hindi. Personal shoot lang.’ So parang sabi ko, ‘Ah? Okay… sige.’ So, medyo gets ko na ‘yung gustong sabihin ‘nung taong iyon,” kwento pa ulit ni Marco.

Ngunit, kahit tumanggi na rito ang aktor ay bigla na lamang daw siyang binigyan nito ng offer para lamang sumang-ayon siya sa ipinapagawa nito. Inalok lang naman nito si Marco ng Php2 milyon para magpose ng hubad sa kanyang personal na photoshoot.

Kaya naman, mas lalo pang nabastusan dito si Marco na muli na namang tinanggihan ang perang ini-ooffer sa kanya. Kwento pa nga nito, inaway niya pa raw ang naturang tao dahil nga sa pagiging bastos nito. Mas lumala pa ito ng nalaman niyang nakilala niya na dati sa isang event ng naturang tao na nag-alok sa kanya. Pagbabahagi pa ni Marco,

“Tapos ‘nung sinabi ko sa kanya na parang… hindi ko ginagawa yung ganoon, bigla siyang nag-offer. Sabi niya, ‘I’ll pay you two million pesos.’

“Sabi ko, ‘Alam mo, kahit gustuhin ko man tanggapin yung two million pesos mo, hindi ako ganoon kaya, wala…' Actually, medyo inaway ko siya kasi medyo bastos siya at nakilala ko na siya dati sa isang event. Na-off talaga ako sa kanya kaya sabi ko, ‘Nope. Eks… eks ka sa akin.’”


Nagsimula man bilang isang teen actor, isa na ngayon si Marco sa mga pinakatinitiliang aktor hindi lamang dahil sa angkin nitong kagwapuhan kundi pati na rin sa ganda ng pangangatawan nito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment