Friday, November 6, 2020

Lalaki, Nagsuot ng Palda Matapos Ipahiram ang Pantalon sa Kapatid na Kumukuha ng Entrance Exam


Maraming mga netizen ang natuwa sa viral post na ito ng magkapatid na sina Jann at Jea Bungcaras. Sa naturang viral post, makikita ang kuya na nakasuot ng palda habang nakapantalon naman ang nakababata nitong kapatid na babae.

To the recuse kasi agad si Jann nang malamang bawal daw ang pagsusuot ng palda para sa college entrance exam ng kanyang kapatid.

Para makakahuha pa rin ito ng exam, hindi nagdalawang isip si Janne na agad ipahiram ang suot niyang pantalon kay Jea. Agad nagpalit ng suot ang mga ito at ito muna ang nagsuot ng palda.

Dahil sa suot nitong palda kaya pinagtinginan daw ng maraming tao si Jann. Gayunpaman, wala siyang pakialam dito basta’t nakatulong siya sa kanyang kapatid. Ani nito, wala raw siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa.

Natuwa naman ang maraming mga netizen sa ginawang malasakit na ito ni Jann sa kanyang kapatid. Ani ng mga ito, ito raw ang tunay na diwa ng magakakapatid; ang magtulungan sa panahon ng pangangailangan.

Dagdag ng ilan, ganito daw dapat ang tularan ng mga magkakapatid. Ang ipinamalas raw na ito ng dalawa ay pagpapakita rin daw ng maayos na pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga magulang.

Nakakatawa man ngunit, saludo umano ang mga netizen kay Jann na hindi nagdalawang isip na magsuot ng palda habang ipinapahiram sa kapatid ang kanyang pantalon. Ani ng mga ito, sana raw lahat ng kuya ay ganito ang pag-uugali at pagmamahal sa kapatid. Magandang modelo umano ito na dapat tularan ng iba.


Sa kabilang banda, mayroon namang ilang mga netizen na pumuna sa polisiya ng nasabing paaralan kung saan kumuha ng entrance exam si Jea. Ani ng mga ito, hindi raw nila maintindihan kung anong koneksyon ng pagsusuot ng palda sa pagkuha ng exam.


Kung hindi pa umano dahil sa kapatid nito ay muntik nang hindi makakuha rito ng exam si Jea dahil lamang sa suot nito na wala naman umanong kinalaman sa pagkuha niya ng entrance exam.

Heto pa ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen tungkol sa viral post na ito ng magkapatid:

“Meaning, showing that they really care about each other for being brother and sister. You both grew up with your parents very well. Excellent!!! God bless you both and keep it up! You are both good models to others.”

“A true gentleman: I got your back, Sis! Sana lahat ng kapatid ganyan.”

“I srsly dunno the connection of wearing a skirt in an entrance exam. Anong masama sa pagsi-skirt? Teachers and students wear ‘em at school. I don't see why one should miss an exam if they wear something like that unless it's too short that it's inappropriate to wear outside.”


“D’yan makikita kung anong value ang ipinunla ng magulang sa kanilang mga anak… To care and uplift each other in times na kinakailangan.”

“That shows how much you care for your siblings in time like that. Who cares what the people will say. Good job, bro. What a brother. That's what it's all about. You saved your sister.”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment