Thursday, November 5, 2020

Xian Gaza, May Hirit Kay Donnalyn Bartolome; Siya raw ang Ex-boyfriend Nito?

Trending kamakailan lang ang ginawang unboxing video ng vlogger na si Donnalyn Bartolome. Dito, naging emosyonal ang vlogger habang binubuksan ang mga gamit na isinauli sa kanya ng kanyang ex-boyfriend.

Ngunit, naging bukas man ito sa pagkakaroon ng karelasyon, naging pribado naman ito sa pagkakakilanlan ng natura niyang ex-boyfiend. Hindi niya inilahad sa publiko kung sino ang kanya ritong tinutukoy na dating karelasyon.

Alam niyang marami raw ang mapapaisip tungkol dito dahil hindi naman kailanman naging lantaran sa publiko ang kanyang pakikipagrelasyon. Ani pa ni Donnalyn, kahit hiwalay na sila ng nasabing ex-boyfriend, hindi pa rin daw ito makikilala ng publiko at mananatiling pribado ang pagkatao nito.

Kaya naman, hindi maiwasang maintriga at manghula ng publiko kung sino ba itong tinutukoy na ex-boyfriend ni Donnalyn. Maraming mga hula ang mga ito sa tinawag ni Donnalyn na D’ex at naglahad ang mga ito ng iba’t-ibang mga pangalan. Ang ilan ay masyadong sineryoso ang paghuhula habang mayroon namang iba na ginawa na lamang katuwaan ang paghahanap kung sino itong ex-boyfriend ni Donnalyn.

Isa sa mga larawang lumitaw ay ang isang larawan ni Donnalyn kasama ang social media personality at minsan na ring binansagang scammer na si Xian Gaza. 

Sa kanya mismong Facbook account, ibinahagi ni Xian ang naturang larawan. Mayroon din itong pahayag tungkol sa trending na unboxing ng vlogger. Saad niya pa rito,

“Isinoli ko lahat ng mga gamit dahil ayaw kong may maisumbat siya sa akin pagdating ng panahon. That's it.”

Sa isa pang Facebook page, mayroon ding isa pang larawan si Xian kung saan kasama pa rin nito ang vlogger. Totoo man ang mga ito o hindi, pinagkatuwaan ng mga netizeb ang mga larawang ito at ang pahayag na baka si Xian daw ang ex-boyfriend ni Donnalyn.


“SI DADDEH XIAN PALA YUNG EX NI DONNALYN?!” saad pa nga sa naturang Facebook page.

Natatawang ani naman ng mga netizen, anuman umano ang nasa likod ng naturang mga larawan, masyado umanong ginalingan ni Xian ang pag-sasabing ito ang tinutukoy na ex-boyfriend ng vlogger. 

Marami sa mga ito ang sinakyan ang mga pahayag ni Xian at tinanong ito kung bakit niya raw isinauli ang mga gamit ng vlogger. Dagdag biro at tanong pa nga ng ilan, bakit niya raw kasi ito hiniwalayan.

Mayroon ding iba nagsabing masyadong naging ambisyoso raw si Xian dito sa kabila ng mga larawang kanyang ibinahagi kasama si Donnalyn. Gayunpaman, mas lamang pa rin ang mga natawa sa pahayag at Facebook post niyang ito.

Heto ang ilan pa sa naging pahayag ng mga netizen tungkol dito:

“Lupit mo lods. Kitang kita ang saya sa ngiti nya. Iba ka.”

“hahaha so sayo pala galing ang SoEn na panty? na nagpaiyak sa kanya! ang lala mo!”

“Kung kelan kana nagkaron marami pera tsaka mo binalik mo mga stuff na binigay niya sayo  sana sakin nalang charrr HAHAHAHA emeee.”

“Bakit mo sinauli dapat pina raffle mo nalang mga regalo nya!”

“Boss buti di mo binenta ahahhaa.”

“hahaha naliwanagan na tayong lahat!”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment