Friday, November 6, 2020

South Korean Comedian at Kanyang Ina, Natagpuang P4tay sa Kanilang Bahay


Ipinaglukuksa ngayon ng mga South Korean celebrities at fans ang pagpanaw ng sikat na aktres at komedyanteng si Park Ji Sun na natagpuang walang buhay sa kanilang bahay kasama ang kanyang ina. 

Ayon sa mga ulat, nitong ika-2 ng Nobyembre, Lunes, ay natagpuan ng mga pulis na wala nang buhay ang komedyante at ang nanay nito sa kanilang tahanan sa Mapo-gu, Seoul, bandang 1:44 ng hapon.

Hindi pa kumpirmado kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng dalawa ngunit, mayroong mga ulat na nagsasabing may pinagdaraanang sakit at gamutan ngayon ang komedyante at kasama raw nito sa bahay ang kanyang nanay.

Ayon sa ulat, tumawag daw sa mga pulis ang ama ni Park Ji Sun matapos na hindi sumagot ang mag-ina sa kanyang mga text at tawag.

Bagama’t hindi pa alam ang tunay na sanhi ng pagpanaw ng 35 taong gulang na komedyante at ng nanay nito, hindi inaalis ng kapulisan ng posibilidad na suicide ang nangyari.

Dagdag ani pa sa mga ulat, mayroon umanong sulat na iniwan ang nanay ni Park Ji Sun kung saan, nakasaad na mayroon itong pinagdaraanang sakit at hindi nito kayang mag-isa na maghirap ang anak.

“No foul play is suspected, as there was no sign of a break-in and what was presumed to be a suicide note was found,” pahayag pa ng Seoul Mapo Police Station.


Sa hiling na rin ng pamilya ng mga biktima, walang isinagawang autopsiya sa mga katawan nina Park Ji Sun at sa nanay nito. Ngunit, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa tunay na sanhi ng kanilang pagpanaw. 

Isang funeral service ang isinasagawa sa dalawa sa funeral hall ng Ewha Womans University Mokdong Hospital sa Seoul. 

Agad naman na naghayag ng pakikiramay at pagdadalamahati ang ilang mga South Korean celebrity para sa pagpanaw na ito ng kilalang komedyante. Kilala ito bilang emcee at host ng iba’t-ibang mga programa sa South Korea kung saan ay kinagiliwan siya ng mga fans at iba pang mga Korean stars.

Sa Instagram, isa ang aktres at miyembro ng Girl’s Generation na si Seohyun sa mga naghayag ng kanyang pagdadalamhati para sa pagpanaw ni Park Ji Sun.

“Ji Sun, who was such a warm and great person… My heart aches so much because I couldn’t understand how you were feeling and how much you were suffering.. I’ll keep praying that you will rest in peace in that place and won’t hurt anymore.. I will always remember the beautiful comedian Park Ji Sun who sincerely did her best in everything,” ani nito. 

Naglabas din ng pahayag ang radio show host na si Kim Young Chul tungkol sa pagpanaw ng kanyang kapwa komedyante na madalas nitong nakakasama. Saad pa nito, 


“Ah Ji Sun, Ji Sun, what should I do!! You kindly worked with me for three years on the radio show, you were never late at such an early hour of the morning, you did such a good job, and I’m grateful. Perfect Ji Sun, ah.. I hope that you will be completely free of pain in that place… I will always remember you as the most fun, clever, and special junior.”

Source: kami


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment