Tuesday, November 3, 2020

Lalaking Kaka-Promote pa Lamang sa Trabaho, Patay Matapos Barilin ng Isang Siga sa Kalsada


Dahil sa isang away trapiko, pinagbabaril ang 19 anyos na si Gregorio ‘Jeric’ Bunio at pinsan nito na si Junie Catapang sa isang parking lot sa Rosario, Cavite. Agad binawian ng buhay si Jeric habang sugatan naman ang pinsan niyang si Junie.

Kaka-promote pa lamang ni Jeric sa trabaho kaya naman, nang oras na iyon ay bibili sana ito ng cake bilang pasasalamat sa kanyang supervisor. Ngunit, habang sakay ng motorsiko ay nasagip umano ito ng isang lalaking nakasakay sa kotse.

Hindi na lamang umimik ang magpinsan kahit na sila ang naagrabyado ng suspek sa insidente. Para wala nang gulo, hinayaan na lamang ng mga ito ang lalaking nasa kotse na nakahagip sa kanila.

Ngunit, ang lalaking humagip sa kanila ang siya pang nagalit kina Jeric kahit na ito ang may kasalanan sa nangyari. Pinagmumura umano ng lalaking ito ang dalawa na siyang biktima ng pangyayari imbes na ito ang humingi ng tawad sa mga ito.

Hanggang sa pinagbabaril na nga ng suspek na ito sina Junie at Jeric sa isang parking lot. Naiwang nakabulagta at wala nang buhay sa naturang parking lot si Jeric habang si Junie ay nagtamo naman ng mga sugat.

Ayon kay PSMS Gemma Oliveros, ang Chief Investigator ng Rosaro Police, lumalabas sa imbestigasyon na binalikan ng suspek ang dalawang biktima dala ang baril nito.

“Ito pa lang suspek, dumiretso siya para pumarada at balikan ang mga nasabing biktima kung saan naman dala na pala niya iyong caliber 45,” saad pa ni Oliveros.

Agad na umalis at nagtago ang suspek sa pangyayari na nakilala ng kapulisan dahil sa mga saksi. Nakilala ng mga ito ang suspek na si Edwin Lontoc Jr. na isang residente sa Kawit, Cavite.

Ayon sa kapulisan, kilala umano si Edwin na isang siga at nanunutok ng kanyang baril gaya ng ginawa nito sa dalawang biktima. Matapos malaman ang pagkakakilalanlan ng suspek ay agad na itong hinanap ng pulisya.


Ngunit, nagtatago umano ngayon ang suspek matapos na puntahan ng mga ito ang kanyang bahay at wala ito roon.

“Pagpunta namin doon sa sinasabing bahay noong suspek ay wala na siya roon,” dagdag ani pa ni Oliveros.

Kaya naman, pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad si Edwin na siyang suspek sa pagkakapatay kay Jeric matapos niya itong pagbabarilin.

Ayon sa isa sa mga pinsan ng mga biktima, sana raw ay lumantad na ang suspek at pagbayaran nito ang kanyang malaking kasalanan sa kulungan.

“Sana ay lumantad kana sa awtoridad at pagbayaran ‘yong mga kasalanan na iyong ginawa. Atsaka, sana hindi na ito mangyari pa sa iba,” ani pa nito.

Ayon naman sa mga netizen, sana raw ay matagpuan na ang nasabing suspek at mahatulan dahil sa krimen na kanyang ginawa. Hindi makatarungan ang ginawa nitong pamamaril dahil lamang sa away trapiko na kung tutuusin, siya naman ang may kasalanan. 

Dapat daw na makulong o maparusahan ang mga ganitong tao at nang makita ang sinasabi nitong tapang. Dapat lamang itong mahuli upang hindi na tularan pa ng iba pang mga siga sa lansangan.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment