Monday, November 2, 2020

Mag-ama, Naglakad ng 459 Kilometro galing Surigao Papuntang Davao del Sur dahil sa Kakulangan ng Papeles na Hinihingi ng Bus


Sa kabila ng pagod at init sa byahe, naglalakad ang mag-amang ito upang makauwi sa Davao del Sur mula Surigao dahil gusto nitong makita ang isa pang anak na sinasaktan daw ng kanyang misis sa Bansalan, Davao del Sur.

Isang netizen na nakakita sa dalawa ang nagbahagi sa kwento ni tatay at ng kanyang anak sa social media. Ayon sa netizen na si Danilo, namataan umano nito ang mag-ama sa Panabo City. 

Ayon daw kay tatay Reynante Quintos, dahil sa kakulangan nila ng papeles ay wala daw bus na gustong magpasakay sa kanila mula Surigao pauwi sa kanilang lugar sa Bansalan. Kaya naman, nilakad na lamang nila ito ng kanyang anak.

Nakatanggap daw kasi ng balita si tatay Reynante na sinasaktan o binubugbog umano ng kanyang asawa ang isa niya pang anak sa bahay nito sa Bansalan. Kaya naman, nagsisikap ito na bumyahe kahit na naglalakad lamang upang mapuntahan ang anak.

Ayon sa netizen, galing pa raw sa Km 27 sa Surigao ang mag-ama at namataan niyang nagpapahinga muna ang mag-ama sa Km 31 sa Panabo City.

Upang kahit paano ay makatulong, binigyan umano ng netizen si tatay Reynante ng kaunting pera. Binilhan niya rin ito ng ilang mga materyales sa paggawa ng kariton upang kahit paano ay mayroong masakyan ang anak nito sa kanilang byahe o paglalakbay.

Dala-dala pa ng mga ito ang kanilang mga gamit na lalong mas nagpahirap sa kanilang paglalakad ng ganoon kalayo. Dahil sa sitwasyon ngayon dulot ng pandemya, kinakailangan na mayroong travel authority at medical certificate ang isang tao bago ito payagang bumyahe o sumakay sa mga pampublikong sasakyan.

Ngunit, walang maipakita si tatay na ganitong mga dokumento kaya napilitan na lamang itong bumyahe nang naglalakad kasama pa ang maliit na anak.


Agad naman na naging trending ang Facebook post ng nasabing netizen tungkol kay tatay Reynante. Marami sa mga ito ang naawa at nabahala sa layo ng binabyahe ng mag-ama.

Gustuhin man ng ilan na mag-abot ng tulong, hindi raw ng nakuha ng netizen ang numero o iba pang mga detalye ni tatay. Ilan sana sa mga ito ang nag-alok na ihatid na lamang ang mag-ama sa kanilang pupuntahan.

Mayroon ding ilan na nagsabing sana raw ay maipaabot sa LGU ang sitwasyon ngayon ng mag-ama upang matulungan ang mga ito. Sa ganoong paraan, maaari umanong maipasundo ang mag-ama at maihatid sa kanilang bahay sa Bansalan. 

Hiling ngayo ng ilan na sana raw ay mayroong tumulong kay tatay na mga taong makasalubong nito sa daan. Malayo-layo pa raw ang lalakarin ni tatay kaya sana naman umano ay mayroong makapag-abot ng tulong dito.


Ayon sa mga ito, hindi umano nila lubos-maisip ang pagod na pinagdaanan ng mag-ama sa pagbyahe nang naglalakad lamang. Hindi umano biro ang sinuong na init at ulan ng dalawa kaya naman nakakaawa umano ang sitwasyon ng mag-ama.

Sana raw ay makaabot sa LGU o kahit sa kapulisan man lang ang sitwasyon nina tatay Reynante at nang maihatid na lamang ang mga ito sa Bansalan. Maliban sa hindi umano biro ang hirap at pagod ng tatay, maging ang bata ay nahihirapan din umano dahil sa hindi birong pagod na dinaranas din nito sa paglalakad ng napakalayo.

Source:facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment