Mayroong iniwang babala ang isang netizen para sa mga taong mahilig mabugas ng mga chichirya, biskwit, o ano pa mang pagkain na nakasilid sa plastik. Ito ay matapos ang nangyaring pagkaka-ospital umano ng kanyang nanay dahil lamang sa ganitong gawain.
Sa Facebook post ng isang Joy Diaz Austero, ibinahagi nito kung paanong nagdulot ng peligro sa buhay ng kanyang nanay ang isang piraso ng plastik na nakuha nito mula sa pagbubukas ng biswkit gamit ang bibig.
Aksidente raw na nahigop ng kanyang nanay ang isang bahagi ng plastik habang binubuksan nito ang kakainin sanang biskwit gamit ang kanyang bibig. Pinilit daw ng nanay nito na mailabas ang aksidenteng nahigop na plastik ngunit hindi niya na ito mailuwa.
Hanggang sa dinala na nga nila ang kanilang nanay sa ospital. Pagkukwento nito,
“Hindi ko alam ung exact na ginawa kay nanay pero sinilip ung lalamunan nya but they got nothing. Nakita lang ung sugat at punit sa lalamunan nya. But the Doctor told us na obserbahan si Nanay if mahirapan makahinga.
“Almost 1 week nang biglang parang hikain si nanay, as in na nahihirapan sya makahinga at grabe ung hingal nya. Nagpunta kami for a follow up check up which they recommends once mahirapan makahinga si nanay. Saka nila nirefer sa Pulmonologist dahil 2 lang daw pwede puntahan nung plastic, sa daluyan ng pagkain or daluyan ng hangin.”
Kapag sa daluyan ng pagkain napunta ang plastik na nahigop nito, walang magiging problema dahil pwede niya lamang itong mailabas kapag ito ay dumumi. Nginit, kapag sa daluyan ng hangin ito napunta, magiging delikado ito para sa kanya at kakailanganin nitong sumailalim sa isang ‘procedure’ para makuha agad ito.
Sa kasamaang palad, pumasok sa daluyan ng hangin ang plastik na nahigop ng nanay nito at nanatili sa kanyang baga mismo.
“YES, opo, sa RIGHT LUNG na NAKUHA yang plastic na yan. Kaya grabe hingal ni nanay, at nagtrigger na tumaas ang BP, Blood Sugar, ung sa heart nya hndi normal even potassium & weight nya bumaba,” dagdag kwento pa nito.
Dahil dito kaya agad sumailalim sa ‘bronchoscopy’ ang nanay ni Austero upang matanggal agad ang plastik sa baga nito. Buo pa ang pirasong ito ng plastik na nahigop ni nanay na natagpuan ng mga doktor sa kanyang bag. Hindi man lang ito nadurog kaya ganoon na lamang ang epekto nito sa pasyente.
Ang simpleng pagbubukas ng anumang pagkain na nakasilid sa plastik kagaya ng chichirya gamit ang bibig ay maaaring magresulta sa isang kapahamakan. Ito ang babala na nais ipaabot ng nasabing netizen sa publiko
Kung maaari, sa tuwing magbubukas ng mga ganitong produkto ay gumamit na lamang ng gunting at hindi ang bibig. Hindi man ito madalas na nangyayari ngunit, malaki pa rin ang posibilidad na mangyari ito kaya mas mabuti na ang nag-iingat upang makaiwas sa peligro.
“Kaya po doble ingat, mas ok na gumamit nalang ng gunting, or do it with your 2 hands kasi di sya biro… Kindly do share para na din maging aware lahat mapabata man o matanda,” ani pa nito sa natura niyang Facebook post.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment