Sunday, November 8, 2020

Madamdaming Tagpo ng Isang Lola at Kanyang Apo, Trending sa Social Media!


Dahil sa katandaan, hindi halos nakilala ng lola na ito ang kanyang apo na matagal niyang hindi nakita at nakasama. Kahit nasa harapan at kausap na ni lola ang kanyang mahal na apo, hindi niya ito halos nakilala dahil na rin marahil sa kanyang edad. 

Sa Facebook, ibinahagi  ng netizen na ito ang isang madamdaming tagpo nang muli niyang bisitahin at makita ang kanyang lola matapos ang 10 buwan. 

Sa naturang video, makikitang kinakausap ng netizen ang kanyang lola at binabanggit niya rito ang kanyang sarili. Kahit binabanggit niya rito ang sarili ay hindi pa rin siya nakilala ng kanyang lola.

Nagtanong pa ito rito kung umuwi ba raw ang kanyang apo. Nagpanggap naman ang netizen at sinabing hindi raw makakauwi ang kanyang apo dahil sa pandemya.

Hanggang sa tinanong niya na ito kung hindi ba raw talaga siya nakikilala nito. Ani naman ng kanyang lola, hindi siya nito kilala.

Hanggang sa ipakilala niya na nga ang sarili at sinabing siya ang apo nito na kanilang pinag-uusapan. Kita naman ang gulat sa mukha ni lola na agad napatingin at napahawak sa kanyang apo na ngayon ay naiiyak na.


Kitang namiss ni lola ang kanyang apo na muli na niyang nakita matapos ang halos isang taon. Ani niya pa rito, akala niya raw ay hindi na sila magkikita ng kanyang apo. Palagi niya raw sinasabi at tinatanong kung nasaan na ito at kung bakit hindi na siya nito dinadalaw.

“Si Maymay ka? Abi kog di nata magkita. Gimingaw ko nimo. Sige gai ko’g ingon na ‘Asa naman to si Maymay, wala naman mo anhi’,” saad pa rito ni lola.

Agad naman na nagyakapan ang dalawa habang emosyonal pa rin dahil sa kanilang muling pagkikita. Ayon sa netizen, hindi niya umano inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ng kanyang lola sa kanilang muling pagkikita.

Dahil daw sa katandaan nito ay madalas hindi na ito nakakakilala ng ibang mga tao. Minsan, kahit silang mga apo nito ay hindi na rin daw nito nakikilala. Gayunpaman, masaya pa rin daw ang netizen dahil kahit paano ay maayos at malakas pa rin ang kanyang lola.

Dagdag niya pa, mahal na mahal niya ang kanyang lola at masayang masaya ito sa muli nilang pagkikita matapos ang halos isang taon.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 70,000 ang reaksyon na nakakalap ng naturang Facebook post. Karamihan sa komento ng mga netizen ay tungkol sa kanilang saya na makita si lola at ang kanyang apo.

Ani ng mga ito, iba talaga ang pagmamahal ng isang lola sa kanyang apo kaya talagang nakakaantig ang naturang tagpo. Naiiyak daw ang mga ito sa naging reaksyon ni lola nang muling makilala ang kanyang apo na matagal nitong hinintay. 

Dahil daw dito kay namimiss din nila ang kanilang mga lola na ang iba ay hindi na nila kasama dahil nagpaalam na ang mga ito. Sana raw ay humaba pa ang buhay ni lola at nang makasama pa ito ng kanyang mga apo at mga mahal sa buhay.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment