Sunday, November 8, 2020

Marco Gumabao, Protective sa Pinsang si Barbie Imperial Matapos na Mapa-wow Dito si Diego Loyzaga


Sa Instagram, isang bikini photo ni Barbie Imperial ang nagpa-wow sa maraming mga netizen lalong lalo na sa mga tagahanga nito.

Maliban sa kanyang mga fans, mukhang napahanga din ni Barbie ang aktor na si Diego Loyzaga sa naturang larawan. Napa-comment lang naman kasi ang huli ng ‘waw’ sa larawang ito ng aktres.

Suot ang kulay asul na tie-dye bikini, kinunan ni Barbie ang natura niyang larawan sa isang beach resort sa Iloilo.

“Much needed break,” ani pa nga rito ng aktres.

Napansin naman ni Marco Gumabao ang comment ditong ‘waw’ ni Diego. Sa kanyang comment, sumagot dito si Marco ng isang animo’y nag-iisip na emoji.

Dahil dito kaya hindi naiwasang mapansin ng mga netizen ang animo’y pagiging protective daw ni Marco sa pinsang si Barbie kaya ito sumagot ng ganun sa comment ni Diego. Marami naman ang natawa sa comment na ito ni Marco bilang sagot sa paghanga ni Diego sa pinsan.

Natawa din si Diego sa comment na ito ni Marco at muli rin itong sinagot sa pamamagitan ng isa ring emoji. Dito, animo’y kinakabahan na natatawa si Diego sa naging reaksyon ni Marco.

Sina Marco at Barbie ay magpinsan dahil ang kanilang mga lolo ay magkapatid. Minsan nilang ibinahagi ang tungkol dito sa isang programa at kinwento kung paano nila nalamang magkamag-anak pala sila. Matapos nito ay naging malapit na sina Barbie at Marco maliban pa sa kanilang pagiging magbusiness partners.



Sina Diego naman at Marco ay malapit na magkaibigan. Minsan na ring nagsama ang mga ito sa isang matagumpay na proyekto sa ABS-CBN.

Ang animo’y mala-protective cousin naman na comment na ito ni Marco ay nagpatawa sa mga netizen. Hindi napigilang matawa at magreact ng mga ito sa naging sagot ni Marco kay Diego matapos maging protective sa pinsan.

Heto naman ang ilan sa mga ibinahaging reaksyon at komento ng mga netizen tungkol sa pagiging ‘protective cousin’ ni Marco kay Barbie:

“@gumabaomarco pinsan duties ka”

“@gumabaomarco over proctective nman… tama lang ‘yun”

“@gumabaomarco hahahahaha lagowwt na @diegoloyzaga ayan na ang pinsan”

“@gumabaomarco oooopsieieiei @diegoloyzaga”

Hindi rin mapigilan ng mga netizen na kiligin kina Diego at Barbie. Sa ngayon, wala namang napapabalita na karelasyon ang dalawa.


Huling napabalitang karelasyon ni Diego ay ang dating kaloveteam na si Sofia Andres habang naiugnay din dati si Barbie sa katrabaho at loveteam niyang si JM de Guzman.

Sa ngayon, bahagi si Barbie ng proyektong ‘Oh Mando’ na mapapanood sa iWant TFC. Kasama niya rin dito ang mga aktor na sina Alex Diaz at Kokoy de Santos.

Kasali din ang 22 taong gulang na aktres sa programang ‘Bagong Umaga’ ng ABS-CBN kung saan, kasama niya naman sina Heaven Peralejo, Kiko Estrada, Toni Labrusca, Michelle Vito, at iba pa.

Kakabalik pa lamang ni Diego, 25 taong gulang, sa showbiz matapos ang dalawang taon na pamamahinga. Isa sa huling naging proyekto nito ay ang ‘Los Bastardos’ kung saan niya nakasama sina Marco, Jake Cuenca, Albie Casiño, Kylie Verzosa, Joseph Marco, Maxine Medina, Joshua Colet, at iba pa. 


Source: PEP


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment