Saturday, November 7, 2020

James Reid, Handang Magpahiram ng Php5M kay Billy Crawford; Mga Netizen, Humanga!


Mas lalo pang hinangaan ng publiko si James Reid matapos ang ipinamalas nitong kabutihan nang maging target ito ng prank call ng kanyang kaibigang si Billy Crawford sa noontime show nitong Lough Out Loud.

Sa naturang prank call, aalamin ni Billy kung handa bang magpahiram sa kanya ng malaking halaga ng pera si James. Dito, matapos tawagan ay sinabi ni Billy kay James ang pangangailangan daw nito sa pera matapos ang kawalan niya ng trabaho noong nakaraang mga buwan.

“Listen, James, I hate to do this to you, bro. I’m in a major major bind right now. I have a big problem. I’m really embarrassed, sorry bro. I’m a bit stressed out and I’m in need of help. Since the whole pandemic thing started, we’re all trying to move on and do our thing.

“But the problem is, for the longest time, six, seven months, I haven’t made any money whatsoever, right? So, obviously, you know where this is going, bro. I’m about to lose my house,” panimula pa ni Billy.

Halos hindi naman makapaniwala dito si James. Aniya pa nga, “No way.”

“Yeah, bro, I’m about to lose my house. So, I need you, bro. Are you good if I can like, borrow, let’s say, in advance of five million? I’m not telling my wife everything because she just gave birth. I have a new kid and it’s just really messed up,” dagdag pa ni Billy.

Nagulat man, walang pagdadalawang-isip na inihayag ni James ang kagustuhan na tulungan ang kaibigan. Sinabi niya pa rito ang buong pera na mayroon siya ngayon sa Pilipinas na talaga namang nagpagulat sa mga host ng programa.


“Okay, right now, my situation is most of my money is in Australia so I have about *** here with me… I’m willing to help. No problem,” ani pa ni James.

Hindi pa rito natatapos si Billy at sinabing maging ang kanyang sasakyan ay ibinenta niya na rin daw. Kaya naman, humingi siya ng pabor kay James na hiramin ang sasakyan nito at ibenta.

Ganun na lamang ang gulat ni Billy at ng mga host nang kahit dito ay walang pag-aalinlangan na pumayag si James. Nang humingi din dito ng agarang pera si Billy para raw pambili ng diaper ng kanilang anak, ani nito ay magbibigay agad siya pagkatapos niyang umalis sa kung nasaan ito ngayon.

Tinanong naman ni Billy si James kung galit ba raw ito sa kanya. Ayon naman kay James, hindi raw dahil naiintindihan niya ang kaibigan.

“No, not at all. I completely understand you. You have a kid… I understand, man. I know that’s not easy. But I’m here for you, bro… Let me transfer you how much I have in my bank right now. Most of my money is in Australia, but I’m planning on bringing a lot of it back anyway, because of the way things are going here,” ani pa rito ni James.

Hindi naman makapaniwala ang aktor at singer ng sabihin ni Billy na prank lamang ang lahat ng sinabi nito. Gayunpaman, malaki ang pasasalamat dito ni Billy dahil alam niya umano na hindi siya kailanman pababayaan ng kaibigan.


“Billy… oh my God. That’s how much I love you, bro! Bro, I’m gonna ***** kill you when I see you! I love you, bro!” ang nakakatawang reaksyon pa nga ni James sa prank call sa kanya ni Billy.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment