Sunday, November 8, 2020

Sikat na Aktres at Host, Nakitira kay Willie Revillame ng Dalawang Buwan!


Inamin ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang umano’y pakikitira nila dati noong nagkaroon ng lockdown sa private beach resort ng host na si Willie Revillame.

“I haven’t worked with him. I lived with him. Okay, that sounds wrong! Wait! I’ll correct it! Nakitira kami sa kanya,” pagbabahagi pa nga ni Kris tungkol dito.

Ayon sa kanya, dalawang buwan din daw ang itinagal nang pakikitira nila sa resort ni Willie sa Puerto Galera. Kasama niya rito ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Ngunit, iginiit ni Kris na halos hindi naman daw sila nagkikita roon ni Willie. Ayon kay Kris, masyado raw abala ang host sa iba’t-ibang mga bagay habang siya naman ay nauubos din ang oras sa pagbabasa. Sa sobrang hilig niya raw sa pagbabasa, minsan daw ay hindi niya na rin nakakausap ang kanyang mga anak.

Hindi rin naman daw sila tumira sa iisang bahay kasama si Willie. Si Kris at ang mga anak nito ay nanatili sa ipinahiram na yate ng Wowowin host habang ito naman ay nanatili sa kanyang bahay.

“We stayed in his yacht. He stayed in his house. We are very opposite in the sense that he needs to be constantly in motion, he needs to be constantly moving. He doesn’t like wasting a moment. 

“And then he said, ‘Bakit ikaw the person goes back to you after 48 hours and you’re still there?’ And I said, ‘Yeah, because I like reading.’ I think I’m the ultimate nerd. When I’m not working, I like to save my voice so that I can read 10 books – legal thrillers, women detectives, biographies, autobiographies…


“For every five fiction (books), I make sure to read one non-fiction… I love reading! I got that from my dad!” dagdag pa ni Kris.

Sa Boracay daw sana nakatakdang mamalagi sina Kris at kanyang mga anak noong kasagsagan ng lockdown at paghihigpit ng mga byahe. Ngunit, dahil sa isang medical emergency ay kinailangan nilang hingin ang tulong ng host.

Nang mga panahong iyon ay hindi rin daw sila makauwi sa kanilang bahay dahil inaayos o under renovation ang ikalawang palapag nito. 

Bago ang mga detalyeng ito ay minsan na ring ibinahagi ni Kris ang pagtulong at pagpapatira sa kanila ng host sa resort nito sa Puerto Galera noong nagkaroon ng community quarantine. Sa isang ulat na ibinahagi ng Philstar.com, ayon dito ni Kris,

“I’ll try to make this short, TRY— for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma… 


“A kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami. bakit di po kami dumirechong umuwi? wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week…

“Pinahiram sa 'min ang resort ni Willie. O 'di ba ang swerte namin?


“If you want a tour of willie’s new beach property (para gumaan ang stress) kayo na mag request here, i’ll show him— na SHY na ko…”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment