Thursday, November 5, 2020

MUP 2020 Rabiya Mateo, Ipinangakong Hindi Hihiwalayan ang Kanyang Boyfriend


 “I can make a man stay.”

Ito ang proud na pahayag ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo tungkol sa pagkakaroon niya ng boyfriend. Sa isang panayam nito kamakailan lang kay Dyan Castillejo, isa sa mga naitanong dito ni Dyan ay kung mayroon na ba itong boyfriend.

Walang pag-aalinlangan naman tong sinagot ni Rabiya at inamin na mayroon ito ngayong boyfriend. Sa katunayan, ayon sa beauty queen ay anim na taon na silang magkarelasyon. Pagdedetalye pa ni Rabiya, ito rin umano ang kanyang pinaka-unang naging boyfriend.

“I do have. We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend…

“I can make a man stay!” kwento pa ni Rabiya.

College pa lamang daw ay magkarelasyon na si Rabiya at ang kanya ngayong boyfriend. Ayon dito, suportado umano siya nito ngayon sa kabila ng kanyang busy na schedule. Iniintindi raw siya ng kanyang boyfriend kahit na wala siyang masyadong time dito dahil sa kanyang pagiging abala bilang bagong Miss Universe Philippines.


Mayroon ding naibahagi na nakakatuwang kwento si Rabiya tungkol sa kanyang boyfriend. Sa mga nakaraang beauty queen na kinoronahang Miss Universe, ilan sa mga ito ang nakipaghiwalay sa kanilang mga nonyo.

Ayon kay Rabiya, nangako raw ito sa kanyang boyfriend na hindi siya makikipaghiwalay kahit na makuha niya ang korona ng Miss Universe Philippines. Sa katunayan, kinunan pa raw siya nito ng video habang ipinapangako ang naturang bagay sa kanya.

“We’ve been together since college. He’s very supportive… 

“He made me promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippines crown. I have a video stating that! He made me do that,” pagbabahagi pa nito.

Sa isa namang hiwalay na interview sa kanya sa Bombo Radyo Iloilo, inihayag din ni Rabiya ang tungkol sa pagkakaroon nito ng boyfriend. Ito raw ay nagtatrabaho bilang nurse at galing din sa Iloilo gaya ni Rabiya.

Ayon pa ni Rabiya sa naturang panayam, proud na proud umano sa kanya ang kanyang boyfriend at napakaswerte raw dito ng beauy queen.

Iniintindi nito ang bago at hectic na schedule ni Rabiya na nagreresulta sa kaunting oras na lamang nito para sa kanya. Ayon naman kay Rabiya, kailangan lamang daw nilang isipin lagi na “even before the fame, I had him already”.

Marami din daw ang nagsasabi na maghihiwalay din sila matapos nitong makuha ang korona. Ngunit, ayon kay Rabiya ay sisikapin at sisiguraduhin nila na maayos pa rin ang takbo ng kanilang relasyon.

“Damo gahambal nga ang iban mabreak man na [Marami ang nagsasabi na ang iba ay nagbe-break] after having the crown. But we will make sure to work things out. If it's true love it will never end,” pahayag pa ulit ni Rabiya.


Sang-ayon naman sa pahayag na ito ni Rabiya ang kanyang mga fans. Ani ng mga ito, ipagpatuloy lamang daw ng beauty queen kung ano ang nagpapasaya rito dahil ang totoong true love ay hindi nawawala. 

Masaya rin ang mga ito ngayon dahil sa pagiging maswerte raw ni Rabiya. Maliban sa koronang napanalunan, panalo rin ito sa puso ng kanyang boyfriend.

Source: virtualpinoy


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment