Wednesday, November 4, 2020

Kita ng Michelle-Tekla Issue sa Programa ni Tulfo, Hindi Raw Gaano Malaki


Taliwas sa mga lumalabas na teorya at tantya ng mga netizens sa social media tungkol sa malaking kita raw sa YouTube ng Raffy Tulfo in Action matapos ang video series nito kaugnay ng isyu nina Michelle Bana-ag at Tekla, hindi raw gaanong kumita ang mga ito dahil sa ilang mga kadahilanan.

Sa social media, ilang mga teorya ng mga netizen ang lumabas at nagsasabing umabot raw sa halos Php 9M ang kinita ng programa ni Tulfo sa isyu nina Tekla dahil sa laki ng views ng mga ito. Mayroon namang naging pahayag tungkol dito si Ogie Diaz na manager ni Tulfo.

“Naku, hindi po totoo. Hindi siya masyadong kumita doon,” paglalahad pa nito.

Kamakailan lang, sa isang vlog na inilabas nito ay pinabulaanan ni Diaz ang mga tantyang ito tungkol sa milyon milyon daw na naging kita ng host. Ayon kay Diaz, dahil daw sa sensitibong paksa ng isyu na kinasangkutan nina Tekla, na-’red flag’ umano ang mga in-upload na video ng host sa YouTube.

Dahil dito kaya limitado lamang ang mga ads na pumasok sa naturang mga video. Ang resulta, hindi masyadong kumita ang Michelle-Tekla na series sa RTIA.

“Dahil ako ay manager ni Raffy, may kumalabit sa akin, ‘Ang laki siguro ng kinita ni Raffy Tulfo doon sa pagpapa-interview ni Michelle’, yung live-in partner ni Tekla. Kasi ginawa raw series ng 'Raffy Tulfo in Action' ‘yung pagpapa-interview ni Michelle 


“Just to let you know, ‘yun pong mga videos na ‘yun ay na-red flag. Ibig sabihin, na-dilaw o na-red, kapag na-red walang pumapasok na ads. ‘Pag po dilaw, limited lang ‘yung ads na pumapasok. So ang hina rin ng daloy ng ads. ‘Yun po ‘yung naranasan ng Michelle-Tekla series,” pagbabahagi pa ni Diaz.


Dagdag pa ni Diaz, dahil nga mayroon pang mga maselang paglalarawan si Michelle sa show kaya tuluyang na-red flag ang mga video ng RTIA. Maliban pa umano ito sa mga menor de edad na nasama rin sa video.

“Siyempre medyo maselan ‘yung issue, may minors na involved, tapos meron ding medyo naging graphic si Michelle sa paglalarawan niya kung ano ‘yung ginawa ni Tekla… 

“Pero ‘yung kita, na-red-flag kami. Hindi kami kumita,” ani pa ulit nito.

Pinabulaanan din ni Diaz ang isyu na kaya lamang daw inilagay sa YouTube ang mga video ng reklamo kay Tekla ay dahil isa itong kilalang tao. Bagama’t para sa mga masugid na manonood ng programa ay hindi ito isyu sapagkat alam nila na ang bawat reklamo ay ini-uupload naman talaga ni Tulfo sa YouTube, mayroon pa ring iba na nilagyan ito ng malisya.

“Ang katwiran ni Kuya Raffy ay ‘lahat naman ng fini-feature namin sa 'Raffy Tulfo in Action', sa 'Wanted sa Radyo', ay inilalagay namin sa ano (YouTube), hindi dahil iyan ay sangkot ng artista, sangkot si Tekla kaya namin nilalabas,” paglilinaw pa rito ni Ogie.


Kung matatandaan, noong kasagsagan ng isyu nina Michelle at Tekla ay isa rin si Ogie Diaz sa mga nagsalita para sa panig ni Tekla. Bagama’t wala itong kinampihan sa dalawa, inilahad nito ang kanyang nalalaman sa panig ng komedyante.

Source: kami


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment