Wednesday, November 4, 2020

Pinay, Inirereklamo ang Isang Foreign Vlogger na Bumibiktima ng mga Pinay na Underage sa Pilipinas

Sa isang vlog, inilahad ng Pinay at vlogger na si Reshiel ‘Etching’ Cuyno Cade ng Etching’s Life ang tungkol sa pamimiktima raw na ginawa ng isang dayuhang vlogger sa mga Pinay na menor de edad.

Ayon kay Etching, napatawad niya na umano ang tinutukoy nitong vlogger na si Philip Rizzuto mula sa mga ginawa at panloloko nito sa kanya dati. Lumayo na ito dito at muling nagsimula ng bagong buhay. Tahimik na ang buhay ni Etching ngayon ngunit, muli na naman siyang inaatake at sinisiraan ni Philip.

Kaya naman, napagdesisyunan nito na ibunyag ang tungkol sa umano’y katotohanan at totoong pagkatao ni Philip gaya na lamang ng pakikipagrelasyon at pambibiktima raw nito sa mga Pilipina na menor de edad.

Sina Etching at Philip ay nagkaroon ng isang anak ngunit hindi niya ito pinanagutan o pinadalhan man lang ng suporta. Noong panahong nagbubuntis pa lamang si Etching sa anak niyang ito kay Philip, madalas daw itong wala at bumabyahe. Kalaunan, natuklasan nito na pumupunta ito sa kaibigan niyang foreigner din sa Pilipinas upang ‘humingi’ ng Pinay.

Ayon kay Etching, isang 15 taong gulang na babae ang nakarelasyon daw ni Philip dati na siyang madalas nitong pinupuntahan. Bilang patunay nito ay lumantad mismo ang babae na si Mary Anne upang ilahad ang pakikipagrelasyon sa kanya dati ni Philip pati na rin ang pananakot nito sa kanya at sa kanyang mga magulang.

Idine-deny ngayon ni Philip ang tungkol dito kaya naman, sa isang video ay inilahad lahat ni Mary Anne ang mga nangyari dati gaya na lamang ng pakikipagrelasyon at pamimilit dati ni Philip sa kanya.

Ayon kay Mary Anne, nagpunta raw sa kanila dati si Philip upang maghanap ng babae. Naikwento raw siya rito ng kanyang ate ngunit, pinaalalahan daw nito sa Philip na menor de edad pa lamang si Mary Anne. Gayunpaman, niligawan pa rin ni Philip sa Mary Anne at gusto raw nito na agad siya nitong sagutin.


Kailanman ay hindi raw siya nanghingi ng pera rito at hindi niya raw kagustuhan ang ginawang pagbuhat nito sa kanya na makikita sa isang larawan. Kahit na menor de edad pa lamang ito dati, hinahalikan umano siya ni Philip at sinasabi umano nito sa kanya na huwag siyang magsusumbong sa kanyang pamilya.

Minsan ay pinapapirma pa raw nito ng kasulatan ang kanyang mga magulang kung saan nakasaad na pumapayag ang mga ito na isasama niya sa kanya si Mary Anne kahit 15 taong gulang pa lamang ito. Wala daw magagawa ang mga ito kung sakaling ireklamo nila ang dayuhan dahil ani sa kanila ni Philip, mahirap lamang sila at wala silang pera para kumuha ng abogado.

Hindi lang din daw siya ang naging biktima ni Philip ngunit mayroon pa itong ibang mga nabiktima. Kaya naman, hinihikayat ni Mary Anne na magsalita na rin ang mga ito upang maparusahan si Philip sa ginawa nitong pamimiktima ng mga menor edad na Pilipina.

Ayon kay Etching, ibinahagi raw ni Mary Anne ang naturang video at paglalahad upang malinis na rin ang kanyang pangalan. Pagbibigay diin pa nito, biktima lang din siya ng ginawa ni Philip. Hindi naman inaasahan ni Etching na ganito kalala ang mauungkat na mga kagagawang masama dati ng dayuhan.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment