Tuesday, November 3, 2020

SCAMMER ALERT: Isang OFW sa Canada, Nanloloko ng mga Kapwa Niya OFW!


Isang OFW sa Canada ang umano’y scammer at nanloloko ng mga kapwa nito OFW sa ibang mga bansa. Sa Facebook, naglabas ng hinaing ang mga OFW na nabiktima nito na gustong matunton at maparusahan ang nasabing scammer.

Ayon sa Facebook post ng isa sa mga biktima nito, isang ‘Ninette Español’ ang itinuturo nito na siyang nambiktima sa kanya. Ayon sa salaysay nito, nag-aalok umano ng trabaho sa Canada ang naturang Ninette pagkatapos ay hihingi ng pera na gagamitin daw sa pagpoproseso.

Ngunit, matapos magpadala rito ng pera ay hindi na umano ito magpaparamdam. Ang modus umano nito ay sasabihin niya sa kanyang biktima na biktima lang din ito ng scam. Ipinangako raw nito na babayaran ang perang naipadala sa kanya ngunit, ilang taon na ang lumipas ay wala na itong narinig kay Ninette.

Isa lamang ito sa iba pang mga OFW na nabiktima rin daw ni Ninette gamit ang naturang modus. Saad pa nito sa kanyang Facebook post,


“Ito ‘yong babae na nasa Canada nangloloko pa ng kapwa OFW, magka pera lang. Nag-aalok siya ng trabaho papuntang Canada. Barista at house caretaker ang alok niya na trabaho doon. Talagang napakagaling magsalita!! Hayop! 

“Pero ‘pag nakapagbigay ka na ng bayad na pang processing fee mo at nakuha na niya ang pera, ilang weeks hindi na magpaparamdam. Tapos sasabihin na lang niya sayo na naloko daw siya… nascam rin daw siya doon sa Canada. Grabe talaga. Napakagaling! Ilang OFW na ba kaming naloko mo! T*NGINA MO Nene!!!”

Kahit ang mismong kababata at kaibigan daw ng naturang scammer ay naglabas din ng kanyang saloobin tungkol sa ginawa nito. Muntik din daw siyang mabiktima ng scam nito ngunit dahil sa laki ng perang hinihingi ay hindi siya natuloy.

Ngunit, ang mga nakumbinse raw nitong biktima ay napakarami na at karamihan ay galing pa sa kanilang lugar sa Cotabato. Ayon sa kanya, nagsasalita siya ngayon dahil gusto niya ring tulungan ang mga nabiktima nito lalo na ang OFW na nagpost din tungkol sa ginawang pangsa-scam sa kanya.



Saad pa nga nito sa isa ring Facebook post,

“Sa mga nakaka kilala kay ‘NENE’ Español!! Isa talaga siyang malaking scammer!!! Jusko not just once, twice but many na taga COTABATO ang na-offeran niya ng work abroad (CANADA) at na scam niya!!

“‘Yung laki ng tiwala binigay ko kasi kababata at kapitbahay ko pa? Like what the heck!!! Oo di ako natuloy sa offer kasi nga malaking pera talaga hinihingi mo! Wala akong mailabas sa ganung kalaking pera. So dahil sa tiwala ko sayo, na open up ko ‘to kay ate EVA. Ang dami niyang tanong sakin about sa’yo pero puro goodside lahat naisabi kasi nga di ko alam na scammer ka talaga…




“Bwis*t Nene ilang chat at taon kami nag-antay na ibalik ang pera!!! Puro ka next month, anong taon na ngayon??? Laking kahihiyan sa mga pinsan at kamag anak mo itong ginagawa mo!! Kahit pamilya mo ayaw madamay sa ginagawa mo!! 


Ayon sa mga biktimang ito ni Ninette, nais daw nila na maparusahan at madeport ito dahil sa dami ng mga nabiktima ng kanyang scam. Pinaghirapan nila ang perang ipinambayad dito ngunit isa pala itong scammer kaya nararapat lamang na ito ay parusahan.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment