Monday, November 9, 2020

Sharon Cuneta, Umapela na Huwag Siyang I-Judge Matapos Magbahagi ng Swimsuit Photo

Inunahan na ni Megastar Sharon Cuneta ang mga taong nakaabang na maghusga sa kanya nang magbahagi ito ng isa niyang swimsuit photo kasama ang mga anak. Ani pa rito ni Sharon,

“Thou shalt not judge ‘ha!”

Isang throwback na larawan ni Sharon kasama ng mga anak na sina Miel at Frankie Pangilinan ang kanyang ibinahagi sa Instagram nito lamang ika-2 ng Nobyembre. Masayang in-repost ni Sharon ang naturang larawan na unang ibinahagi ng isa nitong fanpage.

“SEEMS LIKE FOREVER AGO… Ayan na puede na i-post at natakpan na ang dapat! Hahaha! Good morning! Thanks so much, Lynn! Miss & love you! Repost from @megatitas,” ani pa rito ni Sharon.

Sa ikalawang post na kanyang ibinahagi ng natura pa ring larawan, naibahagi naman ni Sharon ang tungkol sa kanyang pagpapapayat. Anito, kahit hindi pa talaga lubusang bumababa ang kanyang timbang, kahit papaano ay pumapayat naman daw siya.

Dagdag pa nga ni Sharon, puwede umanong tumawa ngunit ‘wag umanong manghusga at magpaka-nega sa kanyang ibinahaging larawan. Saad pa nito sa kanyang caption,

“(Seems like these were forever ago...) O ayan na. Kahit di pa payat, pumapayat naman. Isipin niyo na lang, ito: “Maputi sya (pwera ankles to feet ko kasi yun lang nasisinagan ng araw! Hahaha!), makinis, at kahit pawisan buong maghapon magdamag kahit walang pabango mabango siya talaga!” Eh totoo naman. Hahahaha! 

“Sabi ko nga sa unang post ko bago ko dinelete, “May bagyo naman, so gulatin ko na kayo. Tandaan nyo sabi sa Bible “Thou shalt not judge” ha! Puede matawa bawal umiyak at nega. Mega lang puede. Hahaha! Happy Monday, everyone! Thank you Jesus umalis ang bagyo!!! Salamat po safe kaming lahat!!!”

Bago nito ay una nang ibinahagi ni Sharon ang journey niya sa pagbabawas ng timbang. Ayon sa inilabas na ulat ng Pep.ph tungkol dito, sinimulan daw ni Megastar ang pagbabawas ng timbang upang magkasya rito ang mga damit na kanyang binili na mayroong kamahalan ang presyo.

Sa Instagram, nagbahagi si Sharon ng isang video nito habang nasa kanyang treadmill at sinisimulan ang pag-eehersisyo. Ayon kay Sharon, kahit ayaw ng kanyang katawan ay mayroon itong parte na nami-miss din daw ang pagte-treadmill.

“I’m on my treadmill, I have to tell you, I hate this. To be honest, it’s the first time I am doing the treadmill for a very, very, very long time.

“I partly missed it and I… the big part of me really does not like it but I have to do it number 1 for my health, number 2, I want to look good in my clothes because I ordered clothes.

“So if my clothes don’t push me to fit into them, I don’t know what to do because medyo hindi masyadong mura,” pagbabahagi pa ni Sharon.

Sa kabilang banda, kamakailan lang ay naging trending din si Sharon matapos ang pagbabahagi nito ng isang vlog kung saan, ipinakita nito sa publiko ang kanyang koleksyon ng mamahaling mga bag. Karamihan sa mga ito ay ilang taon na sa Megastar na talaga namang nagpahanga sa kanyang mga subscribers.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment