Sa isang ulat na ibinahagi ng Super Radyo Davao, ayon sa isang pag-aaral ay lumalabas na tumaas umano ang bilang mga tao o indibidwal na mayroong tinatawag na ‘Sugar Daddy’ sa Pilipinas.
Ito ay ayon mismo sa mga datos na inilabas ng Sugarbook, isang online dating website para sa mga tinatawag na ‘Sugar Daddies’ at ‘Sugar Babies’. Dito, dahil sa COVID-19 o sa pandemya ay makikita ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga kababaehang ‘Sugar Babies’ sa bansa.
Ayon sa website, nasa halos Php 50,000 umano ang natatanggap ng isang Sugar Baby sa Pilipinas kada buwan. Base rin sa kanilang datos, ang Metro Manila ang itinuturing nilang Sugar Baby capital ng Pilipinas dahil sa 12,450 na naitalang bilang dito ng mga Sugar Babies.
Pinakamalaking bilang naman ng mga Sugar Babies na ito ay galing sa sektor ng mga kababaehang estudyante o nag-aaral pa lamang. Kaya naman, mayroong pagkabahala tungkol sa mga datos na ito ng kontrobersiyal na dating site.
Base sa isang report na ibinahagi ng ABS-CBN, ani pa ng website,
“The Filipino Sugar Baby earns a monthly allowance of Php 49,700 on average with majority of the Sugar Babies still studying. The massive spike was due to the recent COVID-19 lockdown and it illustrates that Metro Manila is the Sugar Baby capital of the Philippines.”
Para sa ilan, ang pagkakaroon ng Sugar Daddy ay isang paraan para masuportahan ang kanilang pinansyal na pangangailan. Maliban sa pinansyal na benepisyo, mayroon ding iilan na nakikita ang pagkakaroon ng Sugar Daddy bilang isang paraan para matuto sila ng iba’t-ibang bagay gaya ng negosyo mula sa mga mas nakatatanda sa kanila.
Sa kabuuan, umaabot sa 28,310 ang bilang ng mga Sugar Baby sa bansa. Apat na beses itong mas mataas sa bilang naman ng mga Sugar Daddy. Nasa 18-34 taong gulang naman ang kadalasang edad ng mga Sugar Babies na ito.
Ayon naman sa founder mismo ng Sugarbook na si Darren Chan, pinabulaanan nito na ang mga Sugar Baby sa kanyang website ay hindi dapat iniisip o itinuturing na s*x workers dahil nasa mga ito pa rin naman ang desisyon at hindi ipinipilit.
Dadag pa nito, ang malaking kita sa pagiging Sugar Baby ang siyang nagbunsod sa biglaang paglaki ng bilang ng mga Pilipino sa website nitong panahon ng pandemya na napakahirap kumita ng pera.
“Driven by the impact of the COVID-19 pandemic, more users are signing up to Sugarbook due to unemployment and gender pay gaps. On average, a sugar baby in the Philippines receives up to Php 49,700 monthly…
“Unlike sexual workers, sugar babies are not forced into labor. Sugar babies have the freedom of choice and they do not sell their bodies. They are single mothers, divorcees, housewives or students who are driven, successful and goal-empowered to date financially secured people,” saad pa nga nito.
Sa katunayan, sa laki ng populasyon na mayroon ang Pilipinas ay mayroon daw itong nakikita na malaking potensyal sa bansa para sa kanyang website sa darating na mga taon.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment