Monday, November 9, 2020

Suspek na Nasawi sa Pam4maril Niya sa HPG, Dati Nang Inireklamo Dahil sa P4nunutok ng B4ril


Nitong nakaraang mga araw, isang hindi inaasahang engkwentro ang naganap sa pagitan ng Highway Patrol Team sa Cavite at ng dalawang suspek na sakay ng isang kotse na walang plaka. Sa kasamaang palad, isang miyembro ng HPT ang napatay sa barilan ngunit, nasawi din ang isa sa mga suspek na siyang namaril sa grupo.

Matapos umugong ang balita tungkol sa insidenteng ito, sa social media ay lumitaw ang isang video na noong 2016 pa nangyari. Dito, makikita ang isang lalaki na naglabas at nanutok ng dala niyang baril sa mga taong sumisita sa kanya.

Ayon sa video, ang lalaking makikita rito ay ang parehong lalaki na suspek at nasawi matapos mamaril sa HPT sa Cavite. Ito raw ay si Methusael Cebrian na kinilalang asawa ng isang may ranggong opisyal ng Philippine Navy.

Sa naturang video, makikita ang paglalabas nito ng baril habang patuloy na sinisita ng mga taong makikita din sa kuhang video. Maririnig dito ang kanilang saad na kahit mayroong pinapairal na ‘gun ban’ nang mga panahong iyon ay walang katakot-takot na naglabas ng baril si Cebrian at nanakot.

Makikita pa itong patakbo takbo habang itinututok ang baril na hawak sa mga tao sa kanyang paligid na pilit itong sinisita sa kanyang paglabag. Nagbanta pa ang mga ito na tatawag ng pulis dahil sa violation ni Cebrian ngunit animo’y wala itong pakialam.

Patuloy itong maingat na kinompronta ng mga tao sa video kahit mayroon pa rin itong hawak na baril. Hanggang sa ibinalik na nito sa wakas sa kanyang kotse ang hawak nitong baril. Matapos nito ay dinuro duro ng umano’y si Cebrian ang taong kumukuha rito ng video.

Hindi naman marinig ang sinasabi ng mga ito dahil wala nang audio o tunog ang bahaging iyon ng ibinahaging video.


Dahil sa muling paglitaw ng video na ito kaya mas lalo pang nanggigil ang mga netizen kay Cebrian na siyang dahilan ng pagkasawi ng isang aktibong miyembro ng HPT. Base sa video na ito, walang duda raw ang yabang na mayroon ang naturang suspek na ipinamalas din nito sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila ng HPT.

Nakunan din kasi ng video ang mga pangyayari bago at habang nagyayari ang barilan sa pagitan ni Cebrian, isa pang suspek, at ng grupo ng HPT.

Sa nasabing video, makikita na walang plaka ang gamit na sasakyan nina Cebrian kaya pinababa ang mga ito ng mga pulis. Ngunit, kahit walang maibigay ng mga kaukulang dahilan at wastong papeles ay nagpumilit ang mga ito na sumuway sa mga awtoridad.

Nang muling katukin ang kanilang kotse ay agad na nagpaulan ng baril si Cebrian sa kapulisan na siyang tumama kay Chief Msgt Julius Arcalas na agad binawian ng buhay. Nang makaganti naman ng pamamaril ang HPT ay natamaan din ng mga ito si Cebrian kaya nasawi din ito sa pangyayari. Ngunit, nakatakas dito ang kanyang kasamang suspek.

Heto ang ilan sa naging reaksyon ng mga netizen sa muling paglitaw ng video na ito ni Cebrian na nanunutok ng baril:

“Kahit dati pa sira*lo na.”

“Siya ‘yung bumaril sa pulis. May topak pala talaga.”

“Ngayon boy saan ka?? 6ft below the ground ka!! Nandamay ka pa ng police!!”

“4 years ago pa. Buti na lang natapos na pamamayagpag ng d*monyo na’to.”


Panoorin ang buong video!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment