Hindi na napigilang mag-react ng netizen na ito sa pangmamaliit ng isang babae sa mga nanay na nagpapa-breastfeed. Ayon sa naturang babae, naaawa raw siya sa mga batang hindi pinapainom ng gatas na nabibili at gatas lamang ng nanay ang ininom dahil walang pambili ang mga ito.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen ang isang larawan kung saan, makikita ang ginawang pang mamaliit ng nasabing babae sa mga nanay na nagpapa-breastfeed. Dito, ayon sa naturang babae ay nakakaawa umano ang mga bata na hindi nabibigyan ng sapat na nutrisyon mula sa mga gatas na nabibili.
Dagdag pa nito, kung wala naman pala umanong kaya ang isang magulang na bumili ng gatas, sana raw ay hindi nalang gumawa ng anak ang mga ito. Nakakaawa raw kasi ang bata na gatas lamang ng nanay ang iniinom na wala naman daw lasa.
Pahayag pa nito, wala raw gaanong nutrisyon ang gatas ng nanay kaya hindi raw lalakas o lulusog ang bata. Nakakaawa lamang daw ang bata dahil wala naman palang pambili ng gatas ang nanay nito.
Hindi naman nagustuhan ng netizen ang mga pahayag na ito ng naturang babae lalo na’t isa rin siyang ina. Ayon sa netizen, hindi man daw ito makabili ng gats, biniyayaan naman daw ito ng breastmilk. Sa katunayan, makakapagdonate pa umano siya nito para sa ibang mga bata na nangangailangan ng pure breastmilk.
Dagdag sagot pa ng netizen sa mga pahayag nito, hindi umano silang mga nanay na nagpapabreastfeed ang kawawa kundi silang mga babae na ganoon mag-isip. Mayaman nga raw ito at mayroong pambili ng gatas ngunit, wala naman umanong naidudulot na maganda ang ganoon niyang pag-iisip.
Gaya ng netizen, hindi rin ikinatuwa ng marami ang pahayag na iyon ng hindi pinangalanang babae tungkol sa pagbili ng gatas. Ani ng mga ito, mukhang wala raw itong alam sa dami ng benepisyo na nakukuha ng bata sa gatas ng ina.
Sa katunayan, ang bata ay dapat na sa ina lamang kumukuha ng gatas at hindi sa sinasabi nitong mga gatas na nabibili. Hindi matutumbasan ng mga ito ang nutrisyon na nakukuha sa breastfeeding.
Ani pa ng ilan, kahit kaya raw nilang bumili ng mamahaling gatas, mas pipiliin pa rin nila para sa kanilang mga anak ang breastfeeding dahil alam naman ng lahat na ito ang pinakaimportante sa mga bata lalo na sa mga bagong panganak.
Diretsahang ani pa nga ng iba, mukhang hindi raw na-educate ang naturang babae dahil maling mali ang pangangatwiran nito tungkol sa breastfeeding. Mukhang hindi raw nito alam kung ano ang talagang mas nakakabuti para sa bata.
Pagbibiro pa nga ng ilan, baka raw ganon ang kanyang pag-iisip ay dahil hindi rin ito pina-breastfeed ng kanyang nanay noong sanggol pa lamang ito.
Gayunpaman, hindi pa naman daw huli para itama nito ang kanyang pag-iisip tungkol sa kung anong gatas ang mas nakakabuti sa anak. Ayon na rin sa mga eksperto, di hamak na mas nakakabuti para sa mga bata ang breastfeeding na mayroong mas maraming benepisyo lalong lalo na sa pagpapalakas ng katawan ng bata.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment