Tuesday, December 29, 2020

Ninong, Dismayado Nang Umalma ang Inaanak Nito sa Pamasko Niyang Php250


Naging tradisyon na sa bansa ang pagbibigay ng mga ninong at ninang ng pamasko o aguinaldo sa kanilang mga inaanak sa tuwing panahon ng pasko. 

Kung dati-rati ay masaya na ang mga bata sa simpleng laruan, pagkain, o maliit na perang ibinibigay sa mga ito, ngayon ay mukhang naglevel-up na rin ang hinihingi ng mga ito na hindi ikinakatuwa ng marami.

Gaya na lamang ng pag-alma ng netizen na ito matapos na malungkot daw ang inaanak nito matapos niyang bigyang ng pamasko na Php250. Kung tutuusin, hindi naman umano siya obligadong magbigay rito ng pamasko dahil wala naman siya sa listahan ng mga ninong nito noong binyag ngunit, mas minabuti niya pa ring magbigay dito kahit na apektado rin siya ng pandemya.

Kaya naman, mensahe niya rito, sana raw ay turuan ng mga magulang na maging ‘thankful’ ang kanilang mga anak sa anumang ibibigay na pamasko sa mga ito, maliit man o malaki. Dagdag pa nito, hindi maganda na bata pa lamang ay natutunan na ng mga bata kung paano ang maging ‘demanding’.

“Please turuan niyo mga anak niyo maging thankful kahit sa maliit na bagay lang. Ang sarap kaya sa feeling na naalala ‘yung mga anak kahit taon-taon!

“NINONG/NINANG kami para gumabay habang lumalaki sila. Bonus nalang ‘yung mga regalo every christmas at birthdays nila. Napakahirap ng buhay ngayong PANDEMIC ganyan pa! Dati bente lang basta malutong happy na kami!” saad pa ng netizen.


Dagdag saad niya pa nga sa kanyang viral Facebook post, baka raw hindi naman talaga ang inaanak nito ang malungkot sa ibinigay niyang pamasko kundi ang magulang nito.

Samantala, sang-ayon naman sa ibinihaging saloobin ng naturang ninong ang maraming mga netizen. Ani pa ng mga ito, kung tutuusin ay malaki na umano ang Php250 bilang pamasko kaya dapat ay nagpasalamat na lamang ito sa ibinigay na pamasko sa anak.


Sa panahon ng kapaskuhan, dapat ay naging masaya na lamang umano ang mga ito dahil hindi naman obligado ang mga ninong o ninang na magbigay palagi ng malaking pamasko sa kanilang mga inaanak. Dapat, bilang magulang ay tinuruan umano nito ang anak na matutong matuwa at magpasalamat sa anumang ibigay rito.

Heto nga ang ilan pa sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa viral Facebook post na ito:

“Nakakaloka ‘yung nanay! Realtalk. Di nalang magpasalamat. Sa panahon ngayon, malaking bagay na ‘yong 250 aa! Atsaka ninong ka, nanay siya… kung kulang, punan niya. Ba’t mag-Ppm pa sayo ng ganyan? Tsk!”

“Halaaaa? 250 malungkot? Sa panahon ngayon at noon, napakalaki na niyang 250. Bihira magbigay ng ganyan… Grabe naman ‘yan, di na lang magpasalamat.”


“Sana ‘yung mga magulang ngayon, huwag din nila palakihin mga anak nila ng "mamasko or magmessage ka kay ninong/ninang, bibigyan ka ng gift nun". Kasi sa totoo lang, hindi basehan ‘yung regalo sa pagiging ninong/ninang. Isa pa, obvious na obvious, naaalala ka lang batiin ng mga inaanak mo kapag pasko.”


“Kaloka, mga bata nga dito samin namasko binigyan ko ng mga candy pero sobrang tuwang tuwa na. Kaloka mukhang parents ang di natuwa! Ginawa pa atang pangkabuhayan ang anak para makahingi ng pera.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment