Humarap sa publiko ang apat sa mga kaibigan ni Christine Dacera at kabilang din sa 11 na taong inaakusahan na suspek sa pagkamatay nito. Nitong ika-pitong araw ng Enero, Huwebes, humarap sa medya sina Clark Jezreel Rapinan, John Pascual dela Serna III, Rommel Galido, at Valentine Rosales.
Dito, iginiit ng apat na inosente sila sa ipinaparatang sa kanilang panggagahasa at pagpatay sa kabigan. Ani ng mga ito, hindi nila magawa ang naturang bagay sa kanilang malapit na kaibigan at isinaad na natural death ang pagpanaw ni Dacera.
“I strongly believe na wala kaming guilt. Kasi the last moments of Tin [were] with us doon sa room. For sure, lahat kami inaalagaan siya. Dahil suka na siya nang suka…
“I did my best, kami ni Clark. Tri-ny namin ‘yung best para maalagaan ‘yung friend namin na nalasing. Parang ang nangyari sa party na ‘yun, parang hindi ako nag-inom. Parang nag-alaga lang po ako ng lasing, eh,” ani pa nga ni Rosales tungkol dito.
“Walang may kaya gumawa ng pambababooy kay Tin --- wala sa aming magkakaibigan. Dahil kami, talagang mahal na mahal namin siya…
“Kaya ‘yung pinaparatang sa amin na binaboy namin siya, ni-rape, hindi namin kayang gawin sa kanya. Hindi kami ganoong klaseng tao. Hindi namin kaya gawin sa kanya ‘yun. Mahal na mahal namin siya,” ang saad naman ni Rapinan.
Hinding-hindi umano nila magagawa ang ipinaparatang sa kanilang pangre-rape sa kaibigan. Sa katunayan, inalagaan umano nila itong mabuti noong nagsusuka na si Dacera noong madaling araw ng Enero 1. Kaya naman, umapela rin ang mga ito sa ina ni Dacera na si Sharon na sana ay maliwanagan umano ang isip at puso nito sa kung ano talaga ang nangyari.
“Walang rape o walang pagpatay na nangyari kasi ayon din po sa resulta ng autopsiya, aneurysm po ang ikinamatay ni Christine, which is natural death. At ‘yung rape po na sinasabi nila, hinding-hindi po namin magagawa ‘yun sa bestfriend namin…
“Dahil una sa lahat, meron kaming nanay, kapatid na babae, babae po which is mahal na mahal namin at nirerespeto namin. Ganyan din po ‘yung nararamdaman namin kay Tin. Nirerespeto po namin si Tin at hindi po namin kayang galawin o kahit ano man,” ang ani naman ni Galido.
Giit pa nga ng apat, hindi nila inaasahan na ganito ang magiging resulta ng masaya sana nilang New Year’s Eve party noong gabing iyon. Mahirap din umano sa kanila ang nangyari at pagluluksa dahil hindi madali ang mawalan ng malapit na kaibigan.
“Alam ko po mahirap sa inyo ‘yung nangyari. Hindi ganun kadali mawalan ng anak. Sana naiintindihan niyo po rin ‘yung pag-grieving process namin, na hindi po ganun kadali mawalan ng isang matalik na kaibigan…
“Kung nabubuhay po si Tin, alam niya po kung gaano namin siya kamahal. Ang tanging hiling ko sa’yo, Tin, sana liwanagan mo ‘yung isip at puso ng mama mo na wala kaming kasalanan. At ang nangyari ay natural na pagkamatay,” ang pahayag naman tungkol dito ni dela Serna.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment