Monday, January 11, 2021

Bata, Aksidenteng Gumastos ng Php100k Para sa Online Games


Nagulat na lamang ang netizen na si Julmar at ang mister nito nang matuklasan nila na gumastos ng halagang Php100,000 ang kanilang anak sa online games nang hindi nito nalalaman.

Ayon sa netizen, noong una ay inakala nilang nasa Php40,000 lamang ang nagastos ng anak ngunit, nasa Php100,000 pala umano ang kabuuang nagastos nito sa pagdodownload ng mga online games.

Hindi umano alam ng anak nito na mayroon palang bayad ang pagdodownload ng naturang mga laro online kaya ganoon na lamang umano ang paghingi nito ng patawad sa kanila.

“Tabang Lord! [Tulong Lord] Haha. So this happened to us. One of the twins unknowingly purchased mobile games and spent at least P40k in just 2 days! Good that I was able to track bank statements for our finance team today or else we could have spent more without any clue,” ani pa nito.

Nang ibigay umano nila sa kanilang anak ang cellphone nito, nakakonekta pa rin dito ang account ng kanyang mister kaya nila nalaman ang hindi sinasadyang paggastos ng kanilang anak sa online games. Masyado na umanong madali para sa bata ang mga larong nasa naturang cellphone kaya naisipan nito na magdownload ng panibago.


Ngunit, wala itong kaalam-alam na hindi pala ito libre. Humingi umano ito ng tawad sa kanila at naiyak pa dahil sa kasalanan nito. Pagbabahagi naman ni Julmar, higit pa sa pera ay mas mahalaga umano ang pagsunod ng kanilang anak sa kung ano ang tama.

“He got some spanking because he downloaded more games without asking permission. When asked after, he reasoned that the old games were too easy for him and he thought all the downloads were free. He cried a lot after we talked about it and forgave him. He was very sorry (and was too cute with those irresistible eyes). 

“We explained that they are worth MORE THAN all the money in the world but following rules is also a good life skill to abide,” ani pa nito.

Ayon pa kay Julmar, bagama’t napagalitan nila ang anak dahil sa pagkakamali nito, hindi nito nababawasan o nababago ang kanilang pagmamahal sa bata dahil lamang sa laki ng pera na nagastos nito o sa anupaman. Ang mahalaga umano ay naitatama nila ang pagkakamali ng anak.


“Is finding out that the purchase is P100k changed our feelings for our kids? NOPE. Again, we know how our kids and our parenting more than anyone else. This is a complete mistake (he thought all the downloads are free). 

“We trust them and they are responding to discipline with the fear of God in their hearts. Check out their page to get to know them more: Sovi and Tice TV. They are our WHY, our JOY, and our reward. As parents, we discipline to correct the mistake but NOT to equal our affection for our kids to the value of money or anything in this world,” pagbabahagi pa ulit ng netizen.

Bagama’t natawa ang iilan dahil sa nagawang pagkakamali ng bata, bumilib din ang maraming netizen dahil sa paraan umano ng pag-aayos at pagdidisiplina ng mga magulang ng bata rito. Ani ng mga ito, mukhang maayos daw ang ginawang papapalaki ng mga magulang sa kanilang anak base na rin sa paraan ng paghingi ng tawad ng bata sa nagawa nitong kasalanan.


Source:facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment