Tuesday, January 5, 2021

Claire de la Fuente, Umapela sa Publiko na Walang Kasalanan ang Anak sa Pagkamat4y ni Christine Dacera


Umaapela ngayon ang kilalang mang-aawit na si Claire de la Fuente hindi lamang sa ina ni Christine Dacera na si Sharon kundi pati na rin sa publiko.

Isa ang anak ni Claire na si Gregorio Angelo de Guzman, isang chef at fitness instructor, sa 11 ka tao na itinuturong suspek sa pagkamatay at umano’y panggagahasa sa Flight Attendant na si Christine nitong unang araw ng Enero. Si Christine ay natagpuan na wala ng buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati.

Ayon kay Claire, naiintindihan niya umano ang galit na nararamdaman ni Sharon sa pagkamatay ng anak ngunit, sana raw ay huwag humantong ang insidenteng ito sa pagpapakulong sa mga inosenteng tao dahil lamang sa maling akusasyon. Kabilang ang anak ni Claire, sinampahan na ang mga umano’y suspek ng provisional rape with homicide.

Naninindigan si Claire na walang kasalanan ang kanyang anak at isa pa nga umano ito sa mga sumubok na sumalba kay Christine matapos itong matagpuan na walang malay.

“I feel sorry for her. Naintindihan ko totally ang nararamdaman niya, 'yung rage, I understand that. Sobrang masakit para sa isang ina ang mawalan bigla ng anak. Di ko rin kakayanin…

“Pero sana naman may balancing act, maging resonable tayo para 'di tayo makasakit ng mga inosente at makapagbiktima ng ibang tao. Let’s not put innocent people in jail!” ani pa ng mang-aawit.


Naniniwala si Claire na lalabas din ang katotohanan tungkol sa buong pangyayari kahit nagiging unfair umano ngayon para sa kanila ang sitwasyon. Pagbabahagi pa nito, nang matagpuan umano ng anak si Christine at sinubukan nila itong salbahin, tumawag pa umano ito sa kanya dahil sa sobrang pagkalugmok matapos tuluyang nawala ang kaibigan.

“This is so unfair but I know that God has a reason for all of this... The truth is on our side and I am confident na malulusutan ito ng anak ko… 

“Siya ang nag-CPR sa kanya. Gusto niya talagang mabuhay 'yung tao, kaya siya tumawag sa akin that time… Iyak siya nang iyak. He was so frustrated because he wanted to save her life but was not able to,” saad pa ni Claire.

Mula nang pumutok ang balita tungkol sa insidenteng ito, hindi na natigil ang mga pag-atake ng mga masasakit na salita sa 11 hinihinalang suspek kabilang na ang kanyang anak. Lumabas din sa balita na tatlo sa 11 na umano’y suspek ang nasa kustodiya na ng pulis habang ang walong iba ay pinaghahanap pa.

Kabilang ang pangalan ng anak ng singer sa mga umano’y pinaghahanap pa ng mga pulis ngunit, pagdidiin ni Claire, hindi umano nagtatago ang anak at sa katunayan ay sumusunod lamang umano ito sa police advisory.

“Pairalin naman natin ang logic! At hindi totoo na nagtatago ang anak ko. From the start, andiyan lang siya following police advisory… At ano 'yung case na provisional homicide rape? Ngayon ko lang narinig yon… 

“Together with our lawyer, I am here to support my son!”

Bago ito, mayroon na ring kumakalat na umano’y pahayag ng iba pang mga hinihinalang suspek na iginigiit na wala silang kasalanan sa nangyari kay Christine. Ani ng mga ito, umaasa sila na lalabas din umano ang buong katotohanan sa pangyayari.


Source: ABS CBN


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment