Wala nang nagawa pa ang mga magulang ng batang ito mula sa Catigbian, Bohol matapos na dumating nang hindi inaasahan ang inorder na electric motorbike ng naturang bata online. Napilitan lang naman ang mga ito na magbayad ng halagang Php 4,000 para sa naturang laruan na inorder ng bata online.
Sa isang viral Facebook post na ibinahagi ng isang netizen at tiyuhin ng naturang bata, ibinahagi nito ang tungkol sa pagdating o pagdedeliver sa kanila ng mga inorder online ng pamangkin nang walang paalam sa kanila.
Dahil dito kaya hindi halos maipinta ang mukha ng mga magulang ng bata nang dumating ang laruan nitong electric motorbike! Ngunit, walang katumbas naman ang ngiti ng nasabing bata sa laruan nito kahit na nagulat ang kanyang mga magulang. Ani pa nga ng kanyang tiyuhin sa Facebook post nito,
“So, mao to. Niabot na jud ang wa namo paabota! Ang nawng sa mga nabudol. Hahaha. Lesson learned, butangi na ug lock ang inyu mga cellphone kay ang mga bata karon maayo na magkuri2x…
“So ayun na nga, isa na namang pamilya ang nabiktima ng isa bata...sabihin nyo SALAMAT SHOPEE!!!”
[So, ayun na nga. Dumating na ang hindi namin inasahan! Ang mukha ng mga nabudol. Hahaha. Lesson learned, lagyan ng lock ang inyong mga cellphone dahil ang mga bata ngayon ay marunong nang gumamit nito.]
Ani naman umano ng nanay na bata, sa laki raw ng binayaran nila para sa inorder na ito ng kanyang anak, mukhang wala na umano silang maihahanda sa pagdiriwang ng bagong taon. Gayunpaman, dahil dumating na nga ito ay wala na rin silang nagawa.
“Wala na finish na. Dumating na eh, ano pang magagawa namin! Hay, Diyos ko! Wala na kaming pang new year nito! Sino ba naman mag-aakala! Hay, para kaming nabudol nito!” saad pa nito.
Samantala, bagama’t marami ang nakakaintindi sa naramdamnag panlulumo at pagkabigla ng mga magulang dahil sa laki ng hindi nila inaasahang bayarin sa naturang mga laruang inorder ng bata, marami naman ang natawa dahil sa tuwang-tuwang reaksyon ng bata sa kanyang bagong laruan.
Ani ng ilan, di bale na lamang umano ang nagastos ng mga ito dahil bawing bawi naman daw sa saya at ngiti ng bata dahil sa bago nitong laruan. Saad pa nga tungkol dito ng isang netizen,
“Di bale nang walang handa pero masaya ang bata. Ang ngiting ‘yan ang di matutumbasan ng kahit ano.”
Heto pa ang ilan sa komentong ibinahagi ng mga netizen sa viral Facebook post na ito:
“This is both cute and terrifying.”
“They should discipline the kid in a good way. Kids with too much exposure on gadgets can result to a very bad scenario. Parents, do not spoil your children on using gadgets. Save them.”
“Ah that's what you get when you give a child a gadget without supervision.”
“It's okay baby boy. Worth it naman, kasi look his smile sarap makita. Pero syempre, kailangan ipaintindi sa mga bata din na ayos lang magpabili basta magpapaalam kasi hindi natin alam kung may pera ba tayo if biglaan. Kailangan pa din may limitasyon.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment