Wednesday, January 13, 2021

Cologne na Ibinebenta ni Toni Gonzaga, Wala Raw Valid na Lisensya; FDA, Nagbabala sa Publiko


Naglabas kamakailan lang ng abiso at babala ang Food and Drug Administration tungkol sa umano’y cologne na ibinebenta ng kompanya na pagmamay-ari ni Toni Gonzaga at vlogger na si Winnie Wong.

Ayon sa ahensya, ang POUF! Everyday Bloom Cologne Spray na ibinebenta ng mga ito ay wala umanong valid Certificate of Product Notification kaya nagbigay ang FDA ng babala sa mga bibili at gumagamit ng produkto.

Ang paggamit umano ng naturang produkto ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga gagamit nito at hindi sigurado ng ahensya ang kaligtasan ng mga gagamit nito. Galing ang produkto sa product line ng firm na TGWW Everyday Lifestyle Studio na pag-aari nina Gonzaga at Wong.

“Potential hazards may come from ingredients that are not allowed to be part of a cosmetic product or from the contamination of heavy metals…

“The use of substandard and possibly adulterated cosmetic products may result [in] adverse reactions including, but not limited to, skin irritation, itchiness, anaphylactic shock, and organ failure,” pahayag pa ng FDA.

Kaya naman, bilang aksyon ay hindi umano pinahihintulutan ng ahensya ang patuloy na pagbebenta ng produkto at nagbigay ito ng babala sa mga patuloy na magbebenta nito. Maging ang publiko na bibili umano ng POUF! Everyday Bloom Cologne Spray ay inabisuhan at binigyang babala rin ng FDA.


Upang masiguro na hindi na umano maibebenta pa ang nasabing produkto, nakipag-ugnayan na ang FDA sa mga Regional Field Offices and Regulatory Enforcement Units nito, sa lokal na pamahalaan, at maging sa mga enforcement agency.

“Since the abovementioned unauthorized cosmetic product has not gone through the notification process of the FDA, the agency cannot assure their quality and safety. The use of such violative product may pose health risks to consumers,” saad pa ulit ng ahensya.

“In light of the foregoing, the public is advised not to purchase the aforementioned violative cosmetic product… All concerned establishments are warned not to distribute and violate cosmetic products until they have fully complied with the rules and regulation of the FDA,” pagbibigay babala naman nito sa publiko.

Hinihikayat din ng ahensya na ireport o ipaabot sa kanila ang lalabag sa kanilang babala tulad ng mga mahuhuli na nagbebenta pa rin umano ng nasabing produkto sa merkado. Dagdag saad pa ng FDA, ang nasabing produkto at ang firm nito ay kabilang sa mga umano’y inirereklamo ng grupong ACTION o Action for Consumerism and Transparency in Nation Building.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag na inilalabas sina Gonzaga at Wong tungkol sa inilabas na babala ng FDA sa kanilang produkto. Ngunit, ayon kay Wong ay inaayos na umano ng kanilang legal counsel ang tungkol dito. Dagdag pa nito, marami umano sa mga lumalabas laban sa kanila ng mga impormasyon ay ‘fabricated’ o gawa-gawa lamang.


“As much as I want to provide the full details on this matter, our legal counsel has advised us that the issues are already being addressed in the proper forum…

“There are many sensationalized and fabricated information coming out against us. We do not want to engage in false information,” ani pa nito.

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment