Hindi pa rin malinaw kung ano ang totoong nangyari sa likod ng pagkamatay at umano’y panggagahasa sa Flight Attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City nitong unang araw ng bagong taon.
Sa paunang imbestigasyon na inilabas ng mga awtoridad, 11 tao ang hinihinala nilang suspek sa pangyayari at tatlo sa mga ito ay nasa kamay na ng kapulisan. Pawang mga kaibigan lang din ni Dacera ang umano’y mga suspek na kasama nito sa selebrasyon nila ng bagong taon.
Kaugnay nito, agad inatake ng mga pamba-bash ang mga kaibigang ito ni Dacera na hinihinalang kabilang sa mga suspek sa umano’y rape-slay sa flight attendant. Pinutakte ang mga ito ng pamababatikos dahil sa umano’y krimen na ginawa nila sa sariling kaibigan.
Kaya naman, agad na nag-deactivate ng kanilang mag social media accounts ang ilan sa mga hinihinalang suspek na ito. Ngunit, isa sa mga suspek at malapit na kaibigan ni Dacera ang nanindigan na hindi siya magdedeactivate ng social account sa kabila ng mga pambabatikos sa kanya dahil ani nito, lalabas din umano ang buong katotohanan sa nangyari.
Sa isang Facebook post, nanindigan si Rey Englis na lalabas din ang katotohanan sa kung ano talaga ang nangyari sa kanilang kaibigan. Ani pa nito,
“The truth will set us all free. I don’t need your apologies when that time comes but please offer it through prayers for Tin and her family. I will never deactivate my social media kahit i bash nyo pa ako ng i bash.”
Nagbahagi pa rito si Englis ng mensahe para kay Dacera na isa umanong pamilya para rito. Pahayag pa nga nito,
“Christine Dacera wherever you are now. Always remember. Mahal na mahal ka namin. You are a family to us. Hindi ko na sana kailangan sabihin tuh dahil alam ng mga real friends natin yan na mas kilala tayo. Alam mo yan…”
Dagdag ani pa nito, susubukan daw nilang lampasan ang lahat ng mag ibinabato sa kanilang mga akusasyon na walang katotohanan at alam nilang matatapos at lalabas din ang katotohanan sa imbestigasyon.
“We will try to survive these harassments and fake news spreading kahit na halos di na namin kaya. Pati mga pamilya namin nadadamay na. Nagdadasal kame. God is our witness and you Tin. I know di ka na natutuwa sa mga nangyayari…
“Matatapos din ang investigation and this too shall pass. Rest in peace. You will always have a spot in our hearts,” saad pa nga ni Englis.
Sa kabila ng mga dami ng mga taong bumabatikos at nambabash ngayon sa mga hinihinalang suspek kung saan ang ilan ay kaibigan din ng biktima, mayroong iilan na naniniwalang hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon at lumalabas ang katotohanan ay walang kasalanan sina Englis.
Saad pa nga ng iilan, sana raw ay maging patas ang hustisya at hindi sana humantong na maging biktima na rin ng sitwasyon ang mga hinihinalang suspek sa pangyayari.
Ngunit, hindi pa rin maitatanggi na nangingibabaw ang galit at emosyon ng publiko kaya nais ng mga ito na makulong at agad maparusahan ang mga suspek. Ani ng mga ito, kung talagang wala umano silang kasalanan ay dapat na makipagtulungan ang mga ito sa imbestigasyon.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment