Isang video ngayon ang kumakalat sa social media kung saan, isang pagkakagulo sa gitna umano ng mga pulis, mga hinihinalang suspek, at mga residente ng lugar ang mapapanood.
Sa naturang mga video, makikita na pilit isinasama ng mga pulis ang mga suspek na umano’y mayroong kaugnayan sa droga. Ngunit, pumagitna sa mga ito ang maraming mga tao na pinipigilan ang nagaganap na pag-aresto kaya isang malaking gulo at sigawan ang nangyari.
Ayon sa ilan sa mga nagbahagi ng video, ‘police brutality’ umano ang nangyayari dahil hindi naka-uniporme at walang warrant of arrest na dala ang nagpakilalang mga pulis at bigla na lamang daw hinuli ang hinihinalang suspek ng mga ito.
Dahil umano dito kaya natural na umaksyon ang mga tao sa lugar at pinigilan ang nagaganap na pag-aresto. Saad pa nga ng isa sa mga netizen na nagbahagi ng video,
“Walang pakilala, walang ID at chapa at tinanong kung ano sila wala silang sinasagot. Natural na magrereact ang mga tao dahil baka matulad sa ibang pinatay, sinalvage at pinugutan. At ano sasabihin nila? Na nanlaban? Trauma na po kami dyan sa sistema niyo. Sapilitan siyang binuhat at pinasok sa sasakyan. Halos matanggal na yung kamay kakahila nung mga pulis.”
Agad na naging trending ang nakunang mga video at umani ng mga negatibong komento para sa mga kapulisan. Kinondena ng mga ito ang hindi raw tamang sistema ng kanilang panghuhuli sa hinihinala nilang suspek.
Ngunit, agad nag-iba ang komento ng marami nang mayroong isang pahayag o paglilinaw tungkol sa nangyari mula sa isang netizen ang lumabas.
Ayon sa naturang netizen, kaya raw hindi naka-uniporme at walang dalang warrant of arrest ang naturang mga kapulisan ay dahil isa palang buybust operation ang nangyayari sa lugar. Natural lamang na hindi nagpakilalang pulis ang mga ito at hindi na kailangan pang magdala ng warrant of arrest dahil huli sa akto ang krimen.
“Sa mga di nakakaalam, buybust operation ‘yan kaya di naka-uniform ang mga pulis; nagpanggap na mamimili ng drugs. Pagkaabutan ng pera at drugs, doon pinosasan. Kaya no need ang warrant of arrest kasi on the spot ‘yan. Caught in the act,” paliwanag pa nito.
Dahil dito kaya ang makikitang mga tao na pumigil sa pag-aresto ay makakasuhan pa umano ng ‘obstruction of justice’ dahil sa naging kaguluhan na nagresulta sa animo’y hilahan ng mga suspek mula sa mga pulis.
Agad naman na nag-iba ang opinyon ng mga netizen sa paliwanag na ito tungkol sa pangyayari at nabaling sa mga tao ang sisi kung bakit nagkagulo. Kung totoo man ang paliwanag na buybust operation ang nangyari, wala umanong ‘police brutality’ na nagaganap gaya ng sinasabi ng mga kumuha sa video.
Talagang mayroon umanong karapatan ang mga pulis na hulihin ang mga suspek na naaktuhan sa buybust operation. Hindi dapat na pumagitna sa pag-aresto ang mga taong nakikita sa video dahil legal naman ang ginawang pag-aresto.
Hindi rin umano dapat agad na nagreact ang mga tao sa napanood na video at sinisi ang mga pulis dahil hindi naman nakita sa buong video kung ano ang totoong nangyari. Samantala, wala pang inilabas na opisyal na ulat kung ano ang talagang nangyari sa naturang viral video.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment