Sa ospital ipinagdiwang ng international singer na si Jessie J. ang pasko matapos nitong madiagnose ng chronic inner-ear disorder na Ménière’s disease na naging dahilan kung bakit nawalan ng pandinig ang singer sa kanyang kanang tenga.
Sa Instagram, ibinahagi ni Jessie J. ang pangyayaring ito sa kanya kung saan, bago ang pasko ay nagising na lamang umano ang singer na wala nang pandinig ng kanyang kanang tenga at hindi din siya makalakad ng tuwid.
Kung hindi agad naagapan, maaaring malala pa umano ang nangyari kay Jessie J. kaya masaya ito at mas maayos na ngayon ang kanyang kalagayan. Pagbabahagi pa nito,
“I woke up and felt like I was completely deaf in my right ear, couldn’t walk in a straight line… Basically, I got told I had Ménière’s syndrome… I know that a lot of people suffer from it and I've actually had a lot of people reach out to me and give me great advice, so I've just been laying low in silence.”
Dahil sa maayos na gamutan ay mas bumuti na raw ngayon ang kalagayan ni Jessie J. Naibahagi rin nito na dahil nga sa naging problema nito sa pandinig dulot ng Ménière’s disease ay nakaranas ito ng hirap sa pagkanta.
“It could be way worse. It is what it is… I’m super grateful for my health. It just threw me off. On Christmas Eve I was in the ear hospital going, ‘What is going on?’ But I’m grateful I went early and they worked out what it was real quick…
“They worked out what it was real quick and I got put on the right medicine so I feel a lot better today. I haven't sung for so long and when I sing loud, it sounds like there's someone trying to run out of my ear,” kwento pa nito.
Ngunit, unti-unti na ngayong kumakanta muli si Jessie bagama’t hindi pa ito tuluyang gumagaling sa sakit. Saad pa nga nito,
“Now's the first time I’ve been able to sing and bear it… You can hear I'm not really good at singing loud yet, but I just miss singing so much.”
Sa isa namang Instagram post, muling nagbahagii si Jessie ng mga nagawa nito matapos na malaman ang pagkakaroon niya ng Ménière’s disease. Para sa singer, mailalarawan nito ang pagdiriwang niya ng pasko sa ospital na “BIG weird non traditional Christmas Eve vibes…”
“I am now watching 'Queens Gambit' with my finger in my ear… I’ve done the first episode 4 times because I (have) zero focus and my ear sounds like someone crawled in and turned a hair dryer on…
“Sending LOVE to everyone who needs it, is or isn’t alone. We all need some extra love. This Christmas might be a little off. BUT one in a lifetime isn’t bad when some people haven’t had one good one in their lifetime,” pagbabahagi pa ulit nito.
Nilinaw naman ng singer na hindi nito ibinahagi ang kanyang kondisyon upang magpaawa kundi para magbahagi lamang sa kung ano ang totoong nangyari sa kanya.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment