Thursday, February 25, 2021

Babaeng Naaksidente Matapos Sagipin ang Alagang Aso, Nakauwi na Matapos ang Ilang Buwang Pagkakaospital


Matapos ang ilang buwang pananatili sa ospital, nakauwi na rin sa wakas si Rachelle at nakapiling na ulit nito ang kanyang mga alagang aso at pamilya. Kung matatandaan, si Rachelle ay ang babaeng ibinuwis ang kanyang sariling buhay upang sagipin ang alaga nitong aso mula sa pagkakasagasa ng isang tren.

Ngunit, nailigtas man ni Rachelle ang alaga nitong si Buddy ay ito naman ang nakaladkad ng naturang tren sa Sta. Mesa, Maynila. Naging dahilan ito upang magtamo ng mga seryosong pinsala si Rachelle sa kanyang katawan at kinailangan nito na sumailalim sa ilang mga operasyon. Dahil sa nangyari ay nilagyan na rin ng bakal ang balakang ng dalaga.

Dalawang buwan matapos ang pangyayari at pagkakaospital nito, nakauwi na rin sa wakas si Rachelle. Sa kanyang pag-uwi, nakaabang rito ang isang munting surpresa na inihanda ng kanyang pamilya. Nakaabang na rin sa kanya ang mumunting ngiti ng kanyang sinagip na alagang si Buddy na pinakamasaya sa paggaling ng kanyang amo.

Ang paggaling na ito ni Rachelle ay masaya namang ibinalita ng Pawssion Project sa kanilang social media account. Dito, inihayag nila ang kanilang saya sa paglabas ni Rachelle sa ospital at pagkakarecover nito mula sa nangyari.

Dito rin ay pinasalamatan nila ang mga taong nag-abot ng tulong para sa pagpapagaling ni Rachelle at sa lahat ng suporta na ibinigay ng mga ito sa dalaga. Heto nga ang kanilang naging buong pahayag tungkol sa nangyari:


“Remember Rachelle, the girl who risked her life to save their dog Buddy from a moving train? SHE’S NOW HOME WITH HER FAMILY AND THEIR FUR BABIES. She was finally discharged today after several surgeries and ICU confinements and after around 2 months at the hospital.


“Through everyone’s kindness and fervent prayers, we all helped save a life!! Thank you, thank you to everyone who helped them, from individuals to other animal lovers and groups. May we all continue to spread love and kindness everywhere and remember, NO ONE GETS LEFT BEHIND. Look at Buddy’s smile after seeing his hooman again!!”

Marami naman ang natuwa sa balitang ito tungkol kay Rachelle lalo na ang mga netizen at kapwa nito furparents na nakasubaybay sa paggaling ng dalaga. Masaya ang mga ito na nakaligtas mula sa pangyayari si Rachelle at ipinagpapasalamat ng mga ito ang bagong buhay na ibinigay sa kanya.

Heto nga ang ilan sa mga masasayang reaksyon na ibinahagi tungkol dito ng mga netizen:

“We are so happy for you, Rachel, that you have recovered, and Buddy, you are so lucky to have such a nice hoooman who loves you so much. Hope we can also find loving hoomans and loving homes one day.”

“Thank God for saving Rachelle. And thank you to all the good and generous souls who helped her with her hospital bills.”


“Happy na si dog, kitang kita sa mata nya. Prayer for complete healing to you Rachel.”

“I’m crying huhu sobrang blessed ng fur baby. Thank you, Rachel.”

“Goodluck, Rachelle, for another journey of your life. You inspired a lot of people on your one of a kind story! God is with you!”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment