Matapos mapabalita ang tungkol sa dalawang taong gulang na batang pumanaw matapos makuryente, hindi na rin napigilan ng netizen na ito na ibahagi ang sariling karanasan tungkol din sa minsang pagkakakuryente ng kanyang anak.
Ayon sa ibinahaging post ng netizen na si Athena Comboy, sumakit daw ang puso nito nang mabasa ang tungkol sa naturang bata na pumanaw matapos makuryente kaya naalala niya raw ang nangyari sa sarli niya ring anak.
Ilang linggo lamang umano ang nakakaraan, pumutok umano sa mismong kamay ng kanyang pitong taong gulang na anak ang isang extension wire matapos na isaksak ito ng bata. Mabuti na lamang umano at nakaligtas mula rito ang bata ngunit, hindi rin biro ang tinamo nitong mga sugat sa kamay.
“Sumakit puso ko nun nabasa ko yung trending ngayon na batang nakuryente, the same thing also happened to my 7 years old daughter 2 weeks ago…
“Pumutok ang extension wire sa kamay niya the moment na sinaksak niya sa outlet. Good thing na hindi sya direct na nakuryente pero grabe ‘yung nangyari sa kamay niya. Doble ingat, hindi natin alam kung kailan mangyayari ang disgrasya. Haaay,” kwento pa nga ng netizen.
Agad din na naging trending ang post na ito ni Athena na naging dagdag paalala sa mga netizen at mga nanay na magdoble ingat at mas bantayan pa ang kanilang mga anak para maiwasan ang parehong peligro.
Kapag nagkataon kasi ay maaaring maging sanhi pa ang naturang insidente ng pagkawala ng buhay gaya na lamang nang nangyari sa dalawang taong gulang na batang si Jake. Dahil lamang sa isang kutsara na isinaksak ng bata sa isang saksakan, nagwakas ang buhay nito.
Kaya naman, labis ang pighating nararamdaman ng ina ng bata na si Eloisa Angara dahil sa nangyari sa anak. Kwento pa nito tungkol sa nangyari, ang kutsarang naging sanhi ng pagkakakuryente ng anak ay ginamit umano nito sa pagtitimpla ng gatas ng bata.
Nagulat na lamang umano ito nang makarinig ng malakas na pagsabog at dito na nila nadiskubrehan ang tungkol sa nangyari sa kanilang anak. Pagbabahagi pa nito sa nangyari,
“Nung time na bubuksan ko na ‘yung pintuan, may pumutok. Kinabahan na ako pero akala ko may nalaglag lang or what. Napasigaw na ‘yung asawa ko. Ang sabi niya lang, ‘Beb si Jake na-ground!’”
Naisugod pa raw ng mga ito ang kanilang anak sa ospital ngunit, tuluyan na itong binawian ng buhay. Kaya naman, puno nang pighati at pagsisisi ngayon ang nanay dahil sa nangyari sa kanyang anak.
“Sana hindi ko nalang siya iniwan sa taas. Sana hinawakan ko nalang siya. Sana inalagaan ko nalang siya sa baba,” emosyonal pang saad ni Eloisa.
Ang mga pangyayaring ito ay isang aral at paalala sa mga magulang na huwag hayaang maglaro ang mga anak malapit sa mga saksakan o di kaya ay siguraduhin na mayroon umanong takip ang mga ito upang makaiwas sa disgrasya. Bagama’t bihira lamang umano ng mga kasong ganito, seryosong peligro naman ang nakaabang kapag ito ay ipinagsawalang bahala kagaya ng nangyari sa mga anak ng dalawang ina na ito.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment