Wednesday, February 24, 2021

Sundalo, Sinubok ang Pagiging Maginoo Nang Unang Makaharap ang Kanyang Ka-Penpal


Sa pagpapalitan ng sulat unang nakilala ng 27 taong gulang lamang noon na si Daniel, isang sundalo, ang kanyang asawa na si Kylie. Ang kwento ng kanilang unang pagkikita ay madalas nilang binabalik-balikan dahil sa pagiging kakaiba nito.

Sa pagiging magpenpal unang nabuo ang kanilang pag-iibigan sa isa’t-isa. Una umanong nakatanggap ng sulat si Daniel mula ay Kylie na kanya namang tinugon. Mula dito ay nagpalitan na ang mga ito ng sulat at nakabuo ng koneksyon.

Hanggang sa isang araw ay nagdesisyon ang mga ito na magkita na sa unang pagkakataon. Sa Luneta nagdesisyon ang mga ito na unang magkita. Isinaad umano noon ni Kylie na magsusuot siya ng isnag bulaklaking damit o bestida upang agad siyang makilala ni Daniel.

Nang dumating ang araw ng kanilang pagkikita sa personal, matiyaga naman na nag-antay si Daniel kay Kylie sa Luneta. Matapos ang ilang sandaling paghihintay, mayroong nakita si Daniel na isang babaeng tugma ang suot sa isinaad ni Kylie.

Nakasuot ang naturang babae ng bulaklaking bestida at nakasuot din ito ng sumbrero. Kaya naman, tinawag ni Daniel ang babae sa pag-aakalang siya si Kylie. Nakangiti naman itong lumapit kay Danie at nagpakilala. Ito na nga si Kylie.


Ngunit, laking gulat ni Daniel na ang Kylie na dumating ay hindi nito ka-edad. Isa itong Ginang na nasa lagpas 40 na umano ang edad. Gayunpaman, kumpirmado na ito umano ang Kylie na kanyang hinihinitay.

Kaya naman, kahit nabigla ay ipinamalas pa rin ng sundalo ang kanyang pagiging maginoo sa ginang. Pinakitaan niya pa rin ito ng mabuting pakikitungo. Sinamahan niya ito na kumain sa isang restawran gaya marahil ng kanilang napag-usapan.

Bagama’t nagulat, maayos na tinrato ni Daniel ang Kylie na nakilala nito. Ngunit, nakaramdam naman ito ng pagtataka dahil umano panay ang ngiti sa kanya ng ginang. Kaya naman, tinanong ito ni Daniel kung bakit.

Dito ay tuluyan nang umamin ang ginang na hindi nga ito si Kylie. Ayon sa ginang, siya umano ang ina ni Kylie. Sinusubok niya lamang umano ang binata kung mabuti ba itong tao. Sa pagkikita nila, napatunayan niya umano na tunay nga itong maginoo at mabuting tao.

Kalaunan, lumabas na rin ang tunay na Kylie. Dito, tunay nang humanga si Daniel dahil sa ganda ng babaeng kanyang kapalitan ng sulat. Napakaganda nito at tuluyan nang nahulog ang kanyang loob sa dalaga at sa tunay na Kylie.

Dito, mas naging malalim pa ang kanilang pag-iibigan na tumatag at nagtagal. Haggang sa nagkatuluyan na nga ang dalawa at tuluyang bumuo ng pamilya. Ngayon ay masaya na bilang mag-asawa sina Daniel at Kylie. Mayroon na rin silang tatlong anak.


Ngunit, kahit matagal na ang pangyayaring ito, hindi ito kailanman makakalimutan ng dalawa lalo na ni Daniel. Sa tuwing naaalala niya ito, hindi niya pa rin mapigilan na mapangiti. Nalagpasan niya kasi ang pagsubok dito ni Kylie nang hindi niya alam.

Para naman kay Kylie, masaya ito at hindi siya binigo ng lalaking kayang nakapalitan ng sulat. Sa ipinamalas noon ni Daniel, mas lumalim pa ang kanyang pagmamahal para rito.

Source: furrycategory


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment