Wednesday, February 17, 2021

Nanay na 63 Taong Gulang, Mag-isang Binubuhay sa Kitang Php25 Araw-araw ang Pamilya


Sa kabila ng kanyang edad, dahil sa kahirapan ng buhay ay pilit na itinatawid ni nanay Cornelia Sagumhay, 63 taong gulang, ang pang-araw araw nitong pamumuhay at ng anak nitong si Jenalyn sa Brgy. Bal-ason sa Gingoog City.

Walang ibang alam na hanapbuhay si nanay Cornelia kundi ang paggawa at pagbebenta ng barbecue stick. Sa bawat 100 piraso nito na nagagawa ni nanay, Php5 lamang ang kanyang kinikita. Kaya naman, sa isang araw ay nasa 500 lamang na piraso nito ang kanyang kayang gawin kaya Php25 lamang araw-araw ang kanyang kinikita. 

Ang Php25 na ito ang ginagamit ni nanay na pambili nv lahat ng kanilang mga kailangan lalo na pagkain. Maliban sa paghahanapbuhay, si nanay rin ang gumagawa ng halos lahat ng gawain sa kanilang bahay gaya ng pag-iigib, paglalaba, at paghuhugas ng mga plato. 

Ito ay dahil ang anak niyang si Jenalyn ay mayroong sakit sa pag-iisip. Pinalala pa ang kondisyon nito nang mabuntis ito ng hindi nila nakikilalang lalaki. 

Kaya naman, mag-isa ngayong tinataguyod ni nanay Cornelia ang anak at sanggol na apo. Dahil sa kahirapan at katandaan, mas gugustuhin pa umano nina nanay Cornelia na mawala na lamang dahil magkakaroon lamang sila ng maayos na tirahan sa sememteryo. 

Mabuti na lamang, isang mabuting kapitbahay nina nanay Cornelia ang mayroong mabuting loob na nagbahagi nv kwento nito sa social media kung saan, agad naman itong naging trending. Ito ang naging daan ni Marilou Labanes sa paghingi ng tulong lara sa kanyang nga kapitbahay. 


Dahil sa mga netizen na naantig at lubusang naawa sa kondisyon ni nanay Cornelia, sa anak, at sa apo nito, nakalikom si Marilou ng donasyon na ipinambili nito ng mga kailangan ng kapitbahay sa araw-araw gaya ng mga grocery. 


Kahit papaano ay gagaan ang buhay ng mga ito kaya ganoon na lamang pasasalamat ng pamilya Sagumhay at ni Marilou para sa tiwala ng mga ito. Ilan pang mga netizen ang personl na nagpaabot ng tulong kina nanay gaya ng mga bigas at mga kakainin nito. 

Ang FB post na ito rin ni Marilou ang naging daan uoang bisitahin ng kanilang lokal ang kalagayan nina nanay Cornelia. Sa kabila ng hirap, ang pamilya nito ay nakakatanggap din naman umano ng tulong kahit paano mula sa kanila gaya na lamang pagiginv benepisyaryo ng mga ito ng food assistance, social pension, at SAP. Kaya naman, patuloy pa umano sila na mag-aabot ng tulong kay nanay Corbelia at sa anak nito para sa ikagiginhawa ng kabilang buhay. 

“THANK YOU SO MUCH FOR SHARING YOUR BLESSINGS TO NANAY EVERYONE…

“God is watching and may God bless you and your family. Di ko na kayo iisa-isahin. Ito na po ang aking pinamili sa perang naipon ko sa gcash account ko mula sa mga taong may mabuting kalooban. Dahil gusto nila maggrocery muna ako bago ko ibigay kay nanay, ayan na po…



“Binilhan ko sila ng solar radio para may ilaw na sila, baby needs, and everything. God bless everyone,” ang mensahe pa nga ni Marilou para sa mga nagpaabot ng tulong kina nanay Cornelia. 

Source: kickerdaily


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment