Viral ngayon sa social media ang kwento ng pitong taon nang magkarelasyon na sina Jeffrey Oyando at Catherine Bascon. Sa pagtatapos kasi ni Catherine sa kolehiyo, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang boyfriend na siyang sumagot sa gastos at nagpaaral sa kanya.
Mula sa tuition, baon, at iba pang mga bayarin nito sa paaralan, si Jeffrey ang nagbayad para kay Catherine.
Nagtapos naman umano si Catherine ng dalawang taong kurso noon. Ngunit, sa kabila nito ay nahirapan pa rin siyang maghanap ng trabaho. Sinubukan niya umanong mag-apply sa iba’t-ibang mga kompanya ngunit hirap siyang matanggap.
Kaya naman, isang araw ay ang boyfriend niya na umano mismo ang nakaisip na bumalik siya sa pag-aaral sa kolehiyo at magtapos ng 4-year course. Kwento pa nga ni Catherine,
“Siguro nahalata niya na sobrang dami kong inapplyan na companies, walang maka-absorb sa’kin. Gusto ko sana yung related sa course ko kaso ‘di ako makapasok sa ganong field dahil nga (wala) akong degree…
“Sabi niya ‘sige, maghanap ka ng school, alamin mo magkano tuition, requirements ta’s pumasok ka na.”
Parehong breadwinner ng kanilang mga pamilya sina Jeffrey at Catherine. Maliban kay Catherine ay kasabay din na sinusuportahan na Jeffrey ang kanyang pamilya ngunit, alam niya umano ang responsibilidad na kanyang pinasok kaya kahit papaano ay kinaya niya ito.
Sa kabilang banda, habang nag-aaral ay nagtatrabaho rin bilang freelancer si Catherine para makapagpatuloy sa pagsuporta nito sa kanyang pamilya.
“Hindi kasi ako lumaki sa luho, ‘di ko naexperience yung mga (party) kaya siguro thankful din ako na dahil do’n, [naipon] yung pera para may pang-tulong sa kanya…
“(Bilang breadwinner), mahirap mag-budget pero kung talagang desidido ka, kung gusto mo talaga yung bagay na ‘yon, kailangan mag-push hard ka talaga para magawa mo,” ani pa nga nito.
Kaya naman, noong magtapos ang nobya sa pag-aaral ay kakaibang saya umano ang kanyang naramdaman. Naikumpara niya ito sa maaring saya umano na naramdaman ng kanyang mga magulang nang magtapos din siya sa kolehiyo.
“Siguro yung naramdaman nung magulang ko sa’kin nung grumaduate ako, ganon din siguro yung feeling nung grumaduate siya… Iba yung mapagtapos mo siya ng hard-earned money. Sobrang sarap sa pakiramdam,” ani pa ulit nito.
Ayon naman kay Jeffrey, ang pagpapaaral niya sa kanyang nobya ay ginawa nito nang walang anumang hinihintay na kapalit. Bukal ito sa kanyang kalooban kaya kahit anuman umano ang mangyari, hindi umano siya ang klase ng tao na naniningil.
“Never kong inisip yung mga ganong bagay. Sinabi ko sa kanya na ‘kapag pinag-aral kita, kung ano man mangyari, kung mag-break man tayo, ‘di ako yung tipo ng tao na naniningil…
“Kung tutulong ako, tutulong ako nang maluwag,” pagbabahagi pa ulit ni Jeffrey.
Sa ngayon, si Catherine ay malapit nang magtrabaho bilang Application Developer habang si Jeffrey naman ay nagtatrabaho bilang Senior Technology Analyst.
Lubos naman na hinangaan ng mga netizen ang pagmamahal na ito ng dalawa na kakaiba umano at dapat na ingatan. Bihira lamang umano ang ganitong klase ng relasyon kaya sana umano ay magtagal at magkatuluyan ang mga ito.
“Congratulations. Blessed si ate girl sa bf niya. Malawak ang pag-intindi at pagmamahal ng lalaki hindi lang sa kanya, pati family niya, at walang hinihinging kapalit. Sana all,” komento pa nga rito ng isang netizen.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment