Sunday, February 14, 2021

Tagumpay ng Isang Online Seller, Inspirasyon ng Marami sa Social Media


Inspirasyon ngayon sa maraming mga netizen at sa mga gustong magtayo ng negosyo ang online seller na ito na nagkamit ng tagumpay dahil sa kanyang sipag at pagtitiyaga.

Sa Facebook, hinimok ng oline seller na ito ang marami na sumali sa ginawa niyang ‘Negosyo Challenge’ kung saan, hinihimok niya ang mga ito na magtayo ng negosyo na kanilang palalaguin upang magkaroon ng mabuting buhay.

Ayon kasi sa naturang online seller, gaya ng marami ay sa isang maliit na negosyo at puhunan lamang din siya nagsimula noon. Taong 2017 pa umano nang una siyang sumabak sa pagnenegosyo sa puhunang Php5,000 lamang.

Gamit ang Facebook ay nagbenta umano ito ng mga RTW online kung saan, mas malawak umano ang mga naabot niya na mga potensyal na kustomer. Nagsikap umano ang seller at inaral niya pa umano ang maayos at tamang stratehiya o proseso sa pagpapalago niya ng negosyo at pagpapadami ng kanyang mga order.

Kahit na paunti-unti lamang umano noong una ang kanyang mga naibebenta ay masaya na umano ang seller dahil kahit papaano ay mayroon na siyang kikitain mula sa tubo ng kanyang mga ibinebenta.

Kahit na minsan umano ay hindi ito nakakabenta, hindi umano nawala ng pag-asa si seller na patuloy na magpursige dahil mayroon siyang mga gustong makamit sa buhay. Labis umano ang saya nito sa tuwing nakakabenta dahil nasusuklian ang kanyang mga pagsisikap.


Hanggang sa dahil nga sa pagpupursige at pagsisikap na ito ng seller ay unti-unting lumago at lumaki ang kanyang negosyo. Hindi na lamang sarili nito ang kanyang natutulungan kundi pati na rin ang ibang mga tao dahil nagkakaroon na siya ng mga reseller.

Unti-unti na nitong nakakamit ang kanyang mga pangarap at nagkakaroon ng mas komportableng buhay. Kagaya niya ay mas naging madali na rin umano ang pamumuhay ng kanyang reseller. Hindi naman sa gusto raw iyang magmalaki sa lahat ng kanyang mga nakamit. Ayon sa seller ay nais niya lamang umano na magbahagi ng inspirasyon para sa mga kagaya niya na nangarap lang din dati.

Pagbabahagi pa ng ng payo ng naturang online seller, hindi man umano siya nakapagtapos ng kolehiyo ay maipagmamalaki niya naman na sagana siya sa iba’t-ibang mga ideya sa pagnenegosyo kaya kahit noong una ay kaunti lamang ang kanyang puhunan, naitawid niya pa rin ito papunta sa matagumpay na buhay.

Hindi naman umano kasi kailangan ng isang tao ang malaking pera kung gusto nitong magtayo ng negosyo. Ang mahalaga umano ay mayroon itong mga ideya ng mga tamang gawing negosyo. Importanteng aspeto rin umano nito ang pagkakaroon ng katangian ng pagiging masipag. Maraming tao umano kasi ang mayroong pera ngunit, hindi naman ito nagagamit sa negosyo dahil sa kawalan ng ideya.

Dagdag payo niya pa nga para sa marami, huwag raw matakot ang mga ito na sumugal at lumabas sa kanilang comfort zone. Matuto umano ang mga ito na dumiskobre ng iba’t-ibang mga bagay at gamitin ito sa kanilang tagumpay.


Ang pinaka importateng aral naman umano na dapat matutunan ng sinuman ay ang huwag mainggit sa tagumpay ng ibang tao. Bagkus ay gawin umano nila itong inspirasyon sa pag-abot din ng kanilang sariling tagumpay.

Source: thecampfirethoughts


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment