Tuesday, February 2, 2021

Tatay ng Viral Rapper na si Ez Mil, Kilalanin Dito!


Sa loob lamang ng apat na araw, umani na agad ng mahigit sa 14 million views ang live performance ng rapper na si Ez Mil ng kanta nitong ‘Panalo’ sa Wish Bus USA. 

Agad na naging viral ang hit rapper dahil sa ganda ng kanta nito na talaga namang tumatak sa mga Pilipino dahil na rin sa mensahe na nais nitong iparating. Kaya naman, agad na kinilala ng marami ang rapper dahil sa nakakabilib nitong pagtatanghal at talento. 

Si Ez Mil ay ipinanganak sa Olongapo City ngunit may apat na taon na ngayong nakabase o naninirahan sa Amerika. Isa itong Fil-Caucasian na ipinanganak noong 1998. Isa umano sa mga naging susi kung bakit namulat sa mundo ng musika si Ez Mil ay dahil sa kanyang mga magulang na kilala sa industriya ng musika.


Tatay lang naman ni Ez Mil ang bokalista ng bandang Rockstar na si Paul Sapiera. Si Paul at ang banda nito ang isa sa maituturing na legend sa Pinoy Music kung saan, kabilang sa mga pinakakilala nilang awitin ay ang hit songs na ‘Parting Time’ at ‘Mahal Pa Rin Kita’.


Kaya naman, hindi malayo na minahal din ni Ez Mil ang musika dahil na rin sa impluwensya ng kanyang ama na kilala sa naturang larangan. Magkaiba man ang genre na kanilang hilig, malaking impluwensya pa rin para rito ang pagkakaroon ng mga magulang na mahal ang musika.

Kaya naman, ani nga ng marami na umiidolo kay Ez Mil o sa tatay nito, ‘like father, like son’ umano ang dalawa dahil parehong magaling ang mga ito sa kanilang napiling genre ng musika. Samantala, maging ang nanay umano ni Ez Mil ay kilala din sa parehong larangan.

Sa isang panayam nga dito kamakailan lang ng Wish Bus USA, naibahagi ni Ez Mil kung paano naging impluwensya sa kanya ang pagkakaroon ng mga magulang na nasa musika rin ang hilig. Pagbabahagi pa nito, 

“My family has always been in the music scene. Where it started off is both my mom and my dad, mostly my dad, is like some would say in the Philippines, he’s a legend in the rock scene in the Philippines. His name is Paul Sapiera. One of his bands is Rockstar…

“At that time, where it all started… which is booming for the rock scene back then when I was born. As I was growing up, I was really surrounded by rock music and that was something that my parents would also kind of push on me.”

Samantala, maliban sa kanyang mga magulang ay nabanggit din ni Ez Mil ang ibang mga tao o artist na nagbigay inspirasyon at impluwensya sa kanyang musika at mga taong iniidolo niya rin. Nangunguna sa mga ito ay ang sikat na Pinoy rapper na si Gloc 9. 

Ayon pa nga kay Ez Mil, si Gloc 9 umano ang isa sa mga pinakapangarap nito na maka-collaborate. Pagbabahagi nito, ang kantang ‘Hari ng Tondo’ umano ni Gloc 9 ang talagang nagpabilib sa kanya sa rapper.

“It’s because of his song ‘Hari ng Tondo’. The storytelling in that, he’s like my dream collab still to this day within the Filipino artist. He’s the only one I ever did kinda looked forward to whenever he would release a song because of his character, his perfect flow, his strictness with flow patterns, and his voice character… 


“When I heard ‘Hari ng Tondo’, and even if you saw the video or you closed your eyes listening to that song, I was like… he the GOAT,” pagkukwento pa nga ni Ez Mil tungkol kay Gloc 9.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment