Tuesday, February 2, 2021

INSPIRING STORY: Ang Love Story ng Isang Lazada Rider at Online Shopper na Ikinasal Kamakailan Lang


Isang pag-iibigan na nabuo nitong quarantine ang nagpapakilig at nagpapa-inspire ngayon sa marami kung saan, ikinasal lang naman kamakailan lang ang isang Lazada rider at isang online shopper na suki nito sa Asingan, Pangasinan.

Ang pagiging pursigido sa buhay ng Lazada rider na si Marlon Cajucom ang naging susi kung bakit nagustuhan ito hindi lamang ng kanyang misis na ngayon na si Jhasin May Benito kundi pati na rin ng nanay nito.

Unang naging suki ni Marlon ang nanay ni Jhasin na si Mary Grace Benito. Regular na kustomer nito ang ginang mula pa noong Oktubre nang nakaraang taon. Napabilib daw umano kasi si Mary Grace sa rider dahil sa pagiging masikap nito at pagpupursige sa buhay.

“One time, nakapagdeliver po ako sa kanila ng late na. Nagulat sila, nagtataka sila na late na nagdedeliver pa ako noong time na yun. Natanong ako ni Mama Grace kung may asawa na ako, sabi ko wala pa po…

“Bakit daw ang sipag sipag ko, eh, wala pa naman daw ako binubuhay. Ang sagot ko po noong time na ‘yun, kasama ko po sa pangarap ‘yung magpursige sa buhay,” pagbabahagi pa ni Marlon tungkol dito.


Nagustuhan umano ng ginang ang pagiging pursigido ni Marlon sa buhay kaya ipinakilala niya ito sa kanyang anak na si Jhasin. Mula dito ay nabuo na nga ang ligawan at pagmamahalan ng dalawa.

Ayon kay Jhasin, kahit noong nanliligaw pa lamang umano si Marlon ay ipinaramdam na nito sa kanya ang pagiging maalaga at ang pagmamahal nito sa kanya. Kay naman, di rin nagtagal ay nahulog ang loob ni Jhasin para kay Marlon.

“Sa ibang ex ko kasi, siya talaga ‘yung mararamdaman mo talagang ‘yung care niya tapos talagang pursigido po siya. Sobrang effort po siya noong nanliligaw siya sa akin…

“Kahit sobrang busy siya, nagdedeliver [pa rin] ng flower sa bahay tsaka ramdam mo naman talaga ‘yung love,” kwento naman ni Jhasin tungkol kay Marlon. 

At hindi rin nagtagal ay nauwi na nga sa kasalan ang pag-iibigan ng dalawa nito lamang Martes, ika-26 ng Enero. Ikinasal ang mga ito ni Asingan, Pangasinan Mayor Carlos Lopez Jr.

Hindi naman umano makapaniwala si Marlon na mauuwi sa kasalan ng kanilang pag-iibigan dahil noong una, akala nito ay hindi siya mapapansin ng dalaga. Ngunit, nahulog na rin pala ito sa kanya at nauwi na nga sa pagpapakasal ang kanilang relasyon. Ang dating suki lamang nito sa pagpapadeliver na si Jhasin, misis o butihing maybahay na ngayon ni Marlon.

“Kahit sa panaginip kako, sabi ko, hindi ko naman inexpect na papasinin ako nito [Jhasin]...

“Actually ‘yun po talagang nasa isip ko na hindi ako papansinin nito sabi ko kasi maganda, mukhang hindi sanay magtrabaho. Nagulat din ako na napakabait din niya. Napaka approachable naman po, madaling lapitan madaling kausapin,” ani naman dito ni Marlon.


Nagpakilig naman sa maraming nga betizen ang lovestory na ito ng dalawa kaya agad na naging viral ang kanilang storya sa social media. Ani ng mga ito, masaya umanong malaman na mayroon din namang mga magagandang relasyon na nabubuo sa kabila ng nangyayaring pandemya.

Source: MB


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment