Sunday, March 28, 2021

Albie Casiño, Nakipagsagutan sa Netizens Dahil sa Isyung Pagbabalik ng ECQ sa Manila


Nakuha ang atensyon ng netizens sa walang katakot-takot na pagpuna ng isang aktor na si Albie Casiño tungkol sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o ang pinakamahigpit na quarantine guideline sa Pilipinas kung saan mas pinahigpit ang galaw ng services at mas limitado ang  oras ng mga mamimili.

Kamakailan lang ay ibinalitang magsisimula  ang pagpapatupad ng ECQ ngayon, Marso 29, 2021 hanggang Linggo, Abril 4, 2021 sa mga sakop ng NCR+ kung saan kabilang ang mga lugar ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 na umabot halos 8, 000 hanggang 9, 000 na mga kasong naitala kada araw mula noong March 22 hanggang sa kasalukuyan.

Matatandaan na una nang ipinatupad ang ECQ sa Luzon noong March 15 sa nakaraang taon at sumunod noong June 2020 ang paglalagay ng Metro Manila at iba pang lugar sa General Community Quarantine kung saan limitado ang galaw ng mga tao sa mga takdang lugar. Limitado din ang transportation services bilang suporta lamang sa government at private operations. Ang mga opisina ng gobyerno at mga industriya ay maaaring patakbuhin hanggang 75 porsiyento ng kanilang mga manggagawa. Bibigyan ng flexible arrangements sa limitadong kapasidad ang mga estudyante.


Sa ECQ Season2 na kung tawagin ay matapang na nagsalita at pinuna ni Albie ang mga taong bumoto sa mga nanalong opisyal noong nakaraang halalan, 2016, na ngayon ay silang nagpatupad sa naturang quarantine guideline.

Hindi napigilang magsalita ni Albie at maglabas loob sa kanyang pagkadismaya sa pagbabalik ng ECQ kung kaya ay ibinahagi niya sa kanyang instagram account ang isang selfie na nilagyan niya ng caption na, “My face when they said ecq season 2.”

Bilang paalala ng aktor para sa susunod na halalan ay sarkastiko niyang sinabing, “Congrats to everyone who voted nung 2016 sana natutuwa kayo ngayon vite wisely sa 2022 #ecq #halalan2022.”


Samut-sari ang naging reaksyon at pananaw ng mga netizen sa ipinakita ni Albie. May iilang pumuri sa katapangan nito ngunit may iba naman ang bumatikos at bumato ng mga katanungan dito.

"Control ba ng government officials ang virus? Galing mo din mg isip noh. Duh", komento ng isang netizen.



Hindi naman ito pinalagpas ni Albie at sinagot.

"imma hit you with some knowledge so try to understand if you can. They obviously don't control the virus but they do have control over how they handled the virus (we are LITERALLY THE WORDT COVID RESPONSE IN THE WORLD) our neighboring countries should be used as a measuring point look at them and compare to us. Now alam Kong bobo ka kasi DDs ka but if you still don't get it after this wala ka na pag Asa please don't breed", ani ni Albie.

May isang netizen naman ang nagsabi na sana ay mahawaan si Albie ng covid-19 upang nang sa ganun ay maintindihan niya ang importansya ng pagpapatupad ng ECQ.

“You and yo kids gon get it before me bro that’s guarantee”, sagot ng aktor.

Sa pagsasagot ni Albie sa mga komentong bumatikos sa kanya ay sinagot naman ng aktor kung ang katanungan kung ano ang kanyang ambag.


"I pay A LOT of taxes stupid that's my 'ambag' you bum”, ani ni Albie.

Hindi lang ito ang nakasagutan niya dahil patuloy ang aktor na sumasagot sa mga komento ng netizens.


Sa mga sumusuporta naman dito ay tila nagmumukhang plus points sa kagwapuhan ng aktor ang kanyang katapangang maglabas ng saloobin lalo na sa gobyerno ngayon.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment