Kamakailan lamang ay gumawa ng ingay sa mga balita ang demand letter na ipinadala ng kampo ng kilalang Thai actor na si Mario Maurer laban sa kapamilyang aktres at komedyante na si Kakai Bautista.
Isang demand letter na nagbigay babala kay Kakai Bautista na tigilan ang pagbabanggit ng pangalan ng nabanggit na aktor at maging ang pagbabahagi nito sa social media ng mga litrato nilang dalawa. Matatandaan na unang nagkasama ang dalawa sa pelikulang Suddeny It's Magic.
Laman ng demand letter ang mga dahilan kung bakit ito ipinadala ng kampo ni Mario Maurer dahil nang nagsimula umanong nagkaroon ng ugnayan ang dalawa ay unti-unti nabawasan ang endorsement opportunities ng aktor at sinabi pa dito na mayroong mga pahayag si Kakai na idinawit ang pangalan ng aktor na walang katotohanan at ang aktor na mismo ang nagsabi nito sa kanyang kampo. Inakusahan nito ang komedyante na ginagamit lamang ni Kakai ang aktor para sa personal na intensyon.
Marami ang nagulat sa usapang demand letter at kabilang na sa mga nagulat at nagbigay ng komento sa kontrobersiyang ito ay ang talk show host na si Lolit Solis.
Nagmumukhang sarkastiko at nakakaaliw naman ang dating ng naging komento ng host.
“Sa gitna ng seryosong pandemic Salve, ice breaker iyon nangyari kay Kakai at Mario Maurer. Talagang tawang tawa ako dahil parang ngayon lang nangyari na meron lalaki na magagalit para sa pagiging 'feelingera' ng isang babae. Kaloka talaga! Ewan ko kung magandang PR move para sa image ni Mario Maurer, o talagang galit lang dahil isang Kakai Bautista lang ang nali link sa kanya. Kung ako si Kakai, palakihin ko pa ito, hah hah, mas advantage sa kanya. Eh ano ba kung itanggi ni Mario, so what? Puwede naman mangyari, babae si Kakai, malay mo ba, may magagawa ba sila pag ipilit niya na may nangyari nga ? At maganda ba para kay Mario ang itanggi ?”, ani ni Lolit.
Hindi mapigilan ng host ang magtaka kung bakit ngayon lang nagreklamo ang aktor at ang kampo nito na kung iisipin ay siyam na taon na ang nakalipas mula nang magkasama ang dalawa sa sinasabing pelikula. Para kay Lolit Solis ay hindi imposibleng magkaroon ng romantikong relasyon ang dalawa dahil babae at lalaki naman sila. Naitanong naman nito kung maikakabuti ba ng career ng aktor ang pagtatanggi nito sa mga inilabas noon na pahayag ni Kakai o mas makakasama sa kanyang trabaho.
Dahil nga sa pagkaka-link ng komedyante sa aktor ay minabuting ni-link naman ni Lolit Solis ang kanyang sarili sa dalawang South Korean stars na sina Jo In Sung and Nam Joo Hyuk.
“Funny talaga iyon issue hah hah. Nabigyan ako ng idea, ipagkakalat ko rin na nag one night stand kami ni Jo InSung at hinahabol habol ako ni Nam Joo Hyuk hah hah, panindigan ko iyan, kahit bigyan ako demand letter ng Korea, ilalaban ko. Fighting !! Ganyan gawin mo Kakai, fight lang , hayaan mo maloka si Mario”, dagdag ni Lolit.
Tila ay binibigyan nito ng lakas na loob ang komedyante na lumaban.
Pinuri naman si Kakai ng mga netizen nang mag-post ito ng unfiltered photos ng kanyang sarili sa Instagram sa kabila ng paghahain ng reklamo ng kampo ng aktor na may kasamang caption na #Confidenceispower. Nagmumukhang hindi nagpapaapekto ang komedyante sa mga akusasyong ibinabato sa kanya ngayon.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment