Sadyang hindi hadlang ang kahit na anong hirap sa buhay o kapansanan sa katawan ang pagkamit ng mga pangarap at pagbibigay inspirasyon sa taong may kagustuhang magtagumpay sa buhay. Maraming kwento na ang nagpapatunay na hanggat gusto ay mayroong paraan, may kapansanan man o wala. Kung may mga walang kapansanan na mga mag-aaral ang nahihirapan sa kanilang edukasyon , paano na lang kaya yung mga mag-aaral na may kapansanan katulad ng mga pipi at bulag?
Hindi madali ang pag-aaral. Bagaman nakaupo at nakikinig lamang ang mga estudyante ay may kanya-kanya silang kahinaan. Para sa isang bulag na hindi nakikita ang mga titik sa blackboard at mga mukha ng kanyang mga kaklase, posible kayang makapagtapos ito bilang Magna Cum Laude at Summa Cum Laude sa dalawang magkaibang kurso?
Isa sa mga nakakahangang kwento ay ang kwento ng isang babaeng bulag na hindi biro ang pinagdaanan bilang may kapansanan ngunit nakapagtapos ng dalawang kurso. Walang imposible, iyan ang kanyang nais patunayan.
Ang kwentong ito ay binigyang buhay ni Minnie Aveline Juan na isinilang na may komplikasyon sa kanyang mga mata. Isinilang siyang bulag. Marami ang mas lalong bumilib sa kanya nang kamakailan lang ay napag-alaman na nagtapos ito ng Summa Cum Laude at Magna Cum Laude sa dalawang magkaibang kurso. Ang mga karangalang kanyang natanggap ay inihandog niya sa kanyang mga magulang na sina Dr. Angelo Juan at Dr. Maria Lilia Juan na noon pa man ay nais niyang maging proud sa kanya.
Hindi naging balakid ang pagiging bulag ni Minnie upang magpakita ng kahusayan sa kanyang edukasyon dahil simula elementarya hanggang pagtungtong ng kolehiyo daw nito ay talagang malalaki ang mga marka nito at palaging nakakakuha ng iba’t ibang mga parangal. Noon pa man, napahanga na nito ang kanyang mga mga magulang sa pagiging pursigido nito sa buhay.
Nagawang magtapos ni Minnie sa Bachelor of Arts in English bilang Cum Laude. Nakamit man niya ito ngunit hindi sumagi sa kanyang isipan ang huminto dahil sa ikalawang pagkakataon ay nagtapos naman siya sa kursong Bachelor of Arts in Education major in Special Education sa Virgen Milagrosa San Carlos, Pangasinan.
Ang mga karangalan na natanggap ni Minnie at ang dalawang kurso na natapos niya ay hindi lamang para sa pansariling tagumpay kundi para sa kanyang pagnanais na mag-udyok sa publiko na walang imposible hanggat hawak-hawak natin ang ating mga pangarap kasabay ang taimtim na panalangin, kilos at pagpupursige. Naging inspirasyon naman ni Minnie ang mga taong katulad niya na mayroong espesyal na pangangailangan.
Batay sa kanyang mga ninanais sa buhay na hindi lamang sa sarili nakatuon ay mas lalong napatunayan nito na isa siyang ehemplo hindi lamang sa mga may kakulangan o kapansanan pati na rin sa mga walang kapansanan pero nakakaranas na kakaibang klase naman ng hirap sa buhay.
Sino ba naman ang hindi hahanga sa determinasyon ni Minnie? Isa lamang ang kanyang kwento sa milyon-milyong tao sa mundo na may kapansanan na hindi itinuring ang kanilang mga kapansanan at kakulangan bilang mga dahilan upang sukuan ang kanilang mga tanging ninanais sa buhay.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment