Sa edad lamang na 25 ay hinangaan at kinabiliban ng marami ang Pinoy na si John Andrew Dangca. Dati mang nagtrabahong janitor, dahil sa pagsisikap ay may-ari na ito ngayon ng isang restaurant sa Australia.
Labing-siyam na taong gulang lamang umano noon si John Andrew nang magpunta ito sa Australia. Dahil sa mga kamag-anak nito doon, nakapunta sa naturang bansa si John Andrew at nakipagsapalaran.
Isa sa mga naging trabaho nito ay ang pagiging isang janitor. Maliban dito ay nagkaroon din siya ng iba pang mga ‘cleaning jobs’ sa mga bahay, opisina, mall, at maging mga hotel sa Australia. Kasabay din ng kanyang pagtatrabhao ay ang kanyang pag-aaral.
Dahil dito kaya hindi naging madali para kay John Andrew ang buhay doon. Ngunit, sinikap pa rin nitong gampanan ang parehong trabaho at pag-aaral lalo na’t nagpapadala rin umano ito ng pera sa Pilipinas.
Naranasan na umano nitong makatulog sa byahe sa tren na nagsilbi niya na rin umanong pahinga. Kalaunan, dahil sa kanya pagsisikap ay nadala na rin sa wakas ni John Andrew ang kanyang buong pamilya sa Australia.
“Maraming mga pagsubok katulad po nang makatulog po ako doon sa train station. Dire-diretso po ako nun papunta sa kabilang trabaho, ganyan. Sa bus nakakatulog po ako. Parang doon na rin po ako nakakapagpahinga,” kwento pa nga ng Pinoy.
Nang tuluyan itong matapos sa kanyang pag-aaral doon at makuha ang kanyang diploma, sinubukan din ni John Andrew na mag-apply ng isa pang trabaho bilang assistant sa isang ‘aged care facility’.
Pinagsabaysabay lahat ni Andrew ang mga trabaho niyang ito at ang pagiging janitor. Kaya naman, nang tuluyang makapag-ipon ay itinayo ntio ang isang Filipino Restaurant na tinawag niyang ‘Salu-salo’.
Noong nakaraang taon ay tuluyan itong nagbukas na naging katuparan naman ng ilang mga pangarap ni John Andrew. Ayon dito, talagang hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan ngunit, hindi rin naman matatawaran ang sayang nadama nito nang unti-unti niyang naabot ang kanyang mga pangarap.
“Hindi po talaga ganoon kadali sa umpisa. Mararanasan natin ‘yung mga failures, ‘yung mga challenges, pero sa bandang huli, makakamit mo po ‘yun,” pahayag pa nga tungkol dito ni John Andrew.
Kaya naman, ito ang patunay na lahat ng pangarap ay posibleng matupad basta’t ito’y pagsisikapan at pagtatrabahuan. Ikanga nila, basta’t mayroong sipag at pagtatyaga, may nilaga.
Dahil naman dito kaya inspirasyon ngayon ng marami ang Pinoy at hinahangaan ng maraming mga nangangarap. Saludo ang mga ito kay John Andrew at sa kwento nito na inspirasyon ng marami.
Pahayag pa nga ng ilang mga netizen tungkol sa kwentong ito ni John Andrew,
“Nakaka-inspire. Hindi mo talaga masasabi ang takbo ng buhay ng tao. Minsan nasa ilalim. Minsan naman ‘pag nagsumikap ka at wala kang inaapakang tao, sigurado uunlad ka basta’t determinado.”
“Tiis at laban sa buhay ang ginawa niya kaya siya umunlad. Iba talaga nagagawa ng tiyaga. Successful!”
“Nakainspire ang kwento ni kabayan! Walang imposible kung magsusumikap ka at aabutin mo ang pangarap mo. Dadaan ka man sa butas ng karayom, sa huli, magtatagumpay ka rin.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment