Marami ang nagulat at nabahala nang ibahagi ni Luis Ligue Fuerte Jr. sa kanyang Facebook account ang natuklasang kutsilyo na ginamit sa operasyon na nakabaon pa sa baga ng kaibigan at kapitbahay lang din nito na si Kent Ryan Tomao, isang residente ng Barangay Amazion, Kidapawan City. Sinasabing isang taon na daw ang tinagal ng kutsilyong naiwan sa katawan ni Kent.
Parehong ninanais lamang nila Luis at Kent na maghanap ng swerte sa buhay kaya ay naisipan nilang mamasukan sa isang Filipino mining corporation ng Agusan Del Sur na kinilala bilang Philsaga Mining Corp. Ngunit isang nakababahalang kalagayan ni Kent ang nadiskubre nila noong sila ay papahakbang pa lamang sa nais sana nilang tunguhan.
Nadiskubre ang kutsilyong nakabaon sa baga ni Kent nang sumailalim ito sa X-ray kahapon, Marso 24 bilang pagsunod sa hinihingi ng papasukan sanang mining corporation. Sa palagay nito ay hindi yata napansin ng doktor na siyang sumagawa ng noon ay operasyon kay Kent na mayroong operation equipment ang naiwan sa katawan ng binata.
Napag-alaman na isinagawa ang nakaraang operasyon kay Kent noong Enero 4, 2020 nang napagtripan at nasaksak habang naglalakad ito. Agad naman dinala si Kent sa isang pampublikong ospital at tinahi ang kanyang sugat na natamo ngunit hindi napansin ng doktor na mayroon itong naiwan sa loob ng katawan ng binatang biktima na nang madiskubre ay siyang ikinasablay ng pamamasukan ni Kent sa nabanggit na mining corporation.
Sa kasalukuyan, nang lumabas ang resulta ng nasabing X-ray ay ninais na muna ni Kent umuwi pabalik sa Kidapawan at balikan muli ang sinasabing ospital kung saan siya dinala nang masaksak ito para ipakita ang resulta at ipatanggal ang mahigit isang taon nang dala-dala na kutsilyo sa loob ng kanyang katawan.
Sa naging caption Luis sa facebook post nito patungkol sa sitwasyon ng kanyang kaibigang si Kent ay naglabas ito ng pagkakadismaya. Sinabihan nito ang mga doktor na ayusin naman sana nila ang kanilang trabaho dahil higit na kawawa ang mga mahihirap na nangangarap lang rin katulad ni Kent na sana ay makapasok lang sa isang trabaho ngunit sumablay ito dahil sa kapalpakan ng doktor na unang umopera sa kanya.
Sa kabila ng pagkakadismaya ni Luis sa nasapit ng kaibigan ay pinagsabihan naman ito na dapat ipasalamat pa din ni Kent sa Diyos ang pagdating nito sa Philsaga dahil doon nalaman sa X-ray ang kanyang kalagayan.
Ibinahagi naman ni Luis ang mga larawan ng naging resulta sa X-ray na kitang-kita ang hugis at mukha ng kutsilyo.
Humingi naman ng tulong si Luis sa Facebook na ibahagi ang kanyang post at nang sa gayon ay malaman ng marami ang sitwasyon ni Kent at matulungan sa kung sino man ang gustong tumulong nito. Binanggit naman ni Luis sa naging hashtag nito ang programang Raffy Tulfo In Action.
Maraming netizen ang naglabas naman ng saloobin tungkol sa kapalpakan ng doktor.
May isang komento pa ang nagsabi na nagpapatunay ang kapalpakan sa naunang operasyon kay Kent ay nagpapatunay na hindi isinasapuso ng doktor ang trabaho nito sa halip ay nasa pera ito nakatuon.
Marami ang hindi makapaniwala sa sinapit ni Kent.
Sinabayan naman si Luis ng netizens na kunin ang atensyon ng programang Raffy Tulfo In Action at ng isa pang sikat na programa ng bansa na KMJS.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment