Thursday, March 25, 2021

Babaeng Nagpautang, Pinagalitan Nung Naniningil na Ito sa Kaibigan; Netizen, Umalma at Natawa Na Lamang!


Baliktad ang mundo para sa mga taong imbes na bayad ang matanggap mula sa mga taong may perang inutang, galit ang ibinayad.

Tila marami sa mga Pinoy lalo na sa mga nagpapautang ang nakakaranas ng hindi maayos na pagbabayad utang na loob ng mga taong literal na may utang sa kanila. Hindi bago ang mga balita kung saan masasabi na kung sino po ang may utang siya pa ang may ganang magalit lalo na nang ito ay simulang singilin.

Kung iisipin ang pagbabayad ng utang ay hindi isang kilos bilang pasasalamat sa nagpapautang kundi isang obligasyon na may kaakibat na itinakdang oras depende sa kung ano ang naging kasunduan.

Konsensya na yata ang pinanghahawakan sa mga nagpapautang na kay tagal kung bayaran sila o di kaya ay sila pa ang nagmukhang mali kung ninanais nitong maningil.

Katulad na lamang sa isang facebook post na ibinahagi ni Ebeth Diaz Liberio.

“Lisod na ang mga palautang karun kay ang mag adjust kana na nagpautang kapait!”

 [Translation] “Mahirap na sa panahon ngayon dahil ang mga nagpapautang na ang siyang nag-aadjust sa mga may utang”, ani ni Ebeth sa naging caption nito sa nasabing facebook post.

Laman ng facebook post ni Ebeth ay isang screenshot ng pag-uusap nito sa taong kanyang siningil sa matagal na utang na pera nito sa kanya.

Nang singilin, ito ang naging sagot ng umutang sa kanya.


“Hulat sa oy!! Mao na nag change fb kay cge rakag paningel 4months pa gani ako utang nimo dzai gamay ra kayo ng 5k oy… ayseg pagdali hulata ug kanus a tika bayaran ayaw pag dali ky dili man ko mawala mintras buhi pako bayad ko ayaw kabalaka”.

[Translation] “Maghintay ka nga!! Kaya ako nagpalit ng bagong Facebook account dahil sa kakasingil mo, apat na buwan pa lang naman ang utang ko sayo, maliit na halaga lang naman ang 5K… huwag kang magmadali, maghintay ka kung kailan kita babayaran dahil hindi naman ako mawawala, hanggat buhay ako babayaran kita, huwag kang mag-alala”, na may kasamang tatlong demonyong emojis sa dulo ng kanyang hindi inaasahang sagot.

Maraming netizen naman ang nagulat sa naging sagot ng mismong may utang. Sa halip na sabihin at ipaintindi nito kay Ebeth ang dahilan kung bakit hindi nito magawang makabayad nang singilin ay si Beth pa ang pinagsabihan niya na maghintay ito kung kailan niya balak bayaran ang utang niyang limang libo.

Nagulat si Ebeth sa sagot ng umutang sa kanya kung kaya ay pinaalala niya ito na may kataasan na ang apat na buwan na paghihintay niya. Pinagsabihan niya itong madalang lang siya maningil ng utang at hindi niya inaasahan na galit ang kanyang matatangap.

“Ginoo ko ako naman noon ang kasab an nimo na imbis ako masuko”.

[Translation] “Diyos ko, ako pa ang pinapagalitan mo imbes ako ang dapat magalit sayo”, sagot naman ni Ebeth.


Sa comment section ng nasabing post ni Ebeth  marami ang kumampi sa kanya at binatikos ang hindi ibinunyag na pangalan ng umutang sa kanya.

Tila marami ang sumang-ayon na netizens sa sinabi ni Ebeth sa caption nito na kung sino pa ang may utang, sila pa ang may kumpiyansang magalit sa nagpapautang.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment