Wednesday, March 24, 2021

Online Seller at Customer, Nagkalituhan sa Ibig Sabihin ng PM; Mga Netizen, Naaliw sa Kanilang Usapan!


Nawindang at hindi kinaya ng online seller na ito ang isa niyang customer na mayroon palang sariling pagkakaintindi sa ‘PM’. Ang ibig sabihin ng PM ay ‘private message’ o ang pagpapadala ng pribadong mensahe sa messenger.

Sa Facebook, trending ngayon ang ibinahaging post ng online seller at netizen na si Janel Cabalhao tungkol sa isang customer. Si Janel ay nagbebenta ng mga alahas online. Gaya ng iba pang mga online seller, kailangang i-PM sa kanya ng mga ito ang alahas na kanilang napili upang mapag-usapan nila kung kailan ito babayaran at maipapadala.

Ngunit, malayong malayo ang pagkakaintindi ng isang customer sa PM na ikinagulat naman ni Janel at ng iba pang mga netizen. Ayon kasi sa naturang customer, ‘PAUTANG MUNA’ raw ang ibig sabihin nito.

Kaya naman, animo’y ito pa ang nagalit na hindi sila nagkaintindihan ni Janel sa kung paano babayaran ang alahas dahil nga idiniin nito na ‘Pautang Muna’ raw ang inihayag ni seller tungkol sa kanyang mga produkto.

Ganun na lamang ang pagkalito ni Janel sa naturang customer nito na dumagdag lang daw sa sakit ng kanyang ulo. Natatawang ani pa nga nito tungkol sa naturag pangyayari,

“Di ko alam kung iiyak ako o tatawa ako. Ang alam ko kasi pag-PM, eh, Private Message diba? Nalilito na tuloy ako! Ano ba talaga??

“Sakit ng ulo ko dumagdag pa ‘to?!”

Sa ibinahaging mga larawan ni Janel ng kanilang pag-uusap ng naturang customer, mukhang maayos naman ang kanilang pag-uusap at tinanong pa nito ang seller kung talagang ‘PM’ ba talaga umano ang ibinebenta nitong mga alahas.


Kahit animo’y nalilito sa sinasabi ng kanyang customer, sinagot pa rin ito ng maayos ni Janel at sinabing sila ay kasalukuyang nagkakaroon ng palitang ng ‘private messages’.


Ngunit, nang mapag-usapan na ang tungkol sa pagpapadala ni seller ng produkto kay customer, dito na nagkaroon ng kalituhan. Nais ng kustomer na ipadala ni Janel ang napili nitong alahas bago pa niya ito bayaran.

Nilinaw naman ni Janel na kailangan muna itong magbayad at hindi maipapadala ang alahas kapag wala munang bayad. Ngunit, paggigiit din ni customer, kinailangan daw itong ipadala ni sa kanya ni Janel dahil ‘PM’ daw umano ang kanilang usapan.

Animo’y ito pa ang nagalit nang hindi sinang-ayunan ni Janel ang isinaad nitong ‘Pautang Muna’ ang pagkakaintindi nito sa PM at inakusahan pa ang seller ng pagiging isang scammer. Galit na saad pa nga ng naturang customer kay Janel,

“Ano? Napaka diskumpyado mo ha? Sabi mo PM diba? Kaya nga namili na ako! Tapos sasabihin mo magbabayad na muna! Ano ‘to, scam?? Diba PM nga?? Nakalagay sa post mo PM!! Diba PM nga muna??

“Nakalagay sa post mo PM!! Kaya alam ko “PAUTANG MUNA” ‘yang mga alahas mo! Wala na nga lang!! Scam ka pala! Sa iba nalang ako kukuha ng PM!! Madamot!”


Sa ngayon, umabot na sa halos 35,000 ang naaaning reaksyon ng naturang Facebook post at patuloy pang dumarami. Karamihan sa mga ito ay natatawang reaksyon ng mga netizen pati na rin sa libu-libong komento na iniwan ng mga ito rito. 

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment