Friday, March 26, 2021

Boy Abunda, Nais Itanong kay Julia Barretto sa Maaaring Sabihin Nito Sakaling Makaharap si Bea Alonzo


Matapos pinaunlakan ang eksklusibo at mapusong panayam ng “King of talk” na si Boy Abunda at ng aktor na si Gerald Anderson pagkatapos ng matagal na pananahimik nito kung saan tinuldukan ng aktor ang mga usap-usapan tungkol sa relasyon nito sa aktres na si Julia Barretto at ng kinalaman nito sa kontrobersiyal na hiwalayan ng dating girlfriend na si Bea Alonzo, balak ni Tito Boy kung mabigyan man siya ng pagkakataon na itanong kay Julia Barretto kung ano ang maaaring sabihin nito kung sakaling makaharap nito si Bea Alonzo.

Ibinalita ng ABS-CBN na ilang beses nang tinanong si Tito Boy sa virtual media conference ng Kumu show na The Best Talk kung posibleng makakapanayam din niya ang bagong nobya ng aktor na si Julia Barretto. Hindi man kinumpirma ni Tito Boy na magaganap ang hinihintay na panayam kasama si Julia ay handa naman raw itong magtanong sa aktres tungkol kay Bea Alonzo. 

“Not considering the body language, her state of mind, her mood, theoretically, if I were to ask a provocative question…I'd like to start by provoking, so that we can have a conversation. I would probably ask her: 'Julia, if given the chance to have a face-to-face conversation with Bea Alonzo, what would you tell her?”, sabi ni Tito Boy.

Simula noong 2014 kasabay ang mga tagumpay ni Julia Barretto sa showbiz maraming beses ng nakapanayam ni Tito Boy ang aktres. Matatandaan na huling eksklusibong nakapanayam ito noong Mayo 2019 bago ang hiwalayan nito kay Joshua Garcia at dalawang buwan bago nadawit ito sa kontrobersyal na paghihiwalay ng dating nagpakilig ng marami na relasyon nila Gerald at Bea. 

Sa taong 2019 naman nang magsimulang lumabas ang mga balita tungkol sa  pagkakadawit ni Gerald sa usap-usapan na pag-cheat nito sa noo’y relasyon nito kay Bea. Kamakailan nga lang ay mas lalong naging maingay sa social media ang tatlong pangalan na nabanggit. 


Ang eksklusibong interview ni Tito Boy at Gerald ay ang pinakaunang pagkakataon na direktang kinumpirma ng aktor ang relasyon nito kay Julia matapos ang halos isang taon na haka-haka. 

Pinasuri naman si Tito Boy ng iilan sa mga sumubaybay sa pag-uusap nito kay Gerald kung ang pag amin ng aktor ay nakakasama o kapaki-pakinabang at makakatulong sa kanyang career bilang isang artista. 

“I wouldn’t be able to speak about that interview in the context of his career, but if I have anything to say about it… With that interview, Gerald, whether deliberately or unconsciously, set himself free”, sagot ni Tito Boy. 

Binigyang diin naman ni Tito Boy na bilang isang TV host ay kinailangan niyang panatilihin ang ‘balancing act’ sa bawat interview niya. 

“We’re very personal, we’re very emotional, we are relationship-driven,”

 “Dito sa atin, adversarial, contrarian interviews have no place in Philippine culture.”

“Hindi yan tanggap ng ating kultura. Hindi tayo pwede mambastos, hindi tayo pwede mag-overly disagree. Kasi, pag nangumbida ka ng bisita, you are expected to be courteous. You are not expected to be hostile”, dagdag ni Tito Boy. 

Marami man ang gustong itanong ng naosyong publiko maging si Tito Boy mismo sa kontrobersiyang namamagitan sa bagong relasyon nina Gerald at Julia at ng kasamahang aktres nito na si Bea Alonzo ay nais naman isa publiko ni Tito Boy ang mga nararapat at hindi nararapat na gawin sa isang eksklusibong panayam lalo na sa mga katulad niya na isang TV host, malapit man ito na kaibigan sa kanya o sadyang kilalang personalidad lamang. 


Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment