Tuesday, March 16, 2021

Batang Aksidenteng Nakalunok ng ‘Chewy Candy’, Binawian ng Buhay


Isang babala para sa mga magulang ang ibinahagi ng netizen na ito tungkol sa isang batang binawian ng buhay kamakailan lang. Nang dahil lamang sa simpleng pagkain at aksidenteng pagkakalunok ng kendi ay pumanaw ang batang ito mula sa Leyte.

Sa Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Julieann Nayre Quiroz, ibinahagi nito ang nakakalungkot na akisdenteng nangyari sa kanyang apat na taong gulang pa lamang na pamangkin. 

Ayon kay Quiroz, kumain lamang umano ng ‘chewy candy’ ang pamangkin nito nang aksidenteng malunok ito ng diretso ng bata. Dahil dito kaya nahirapan daw na huminga ang bata na naging dahilan naman ng tuluyan nitong pagpanaw.

Sinubukan pa raw ng mga ito na i-revive o isalba ang bata ngunit, hindi umano ito agad na inasikaso ng emergency room ng isang ospital sa Baybay, Leyte. Bago pa raw kasi tanggapin sa ospital ang bata ay isinailalim pa ito sa swab test.


Pinaliwanag naman umano nila sa mga ito na emergency ang nangyari sa bata ngunit, hinintay pa raw ng ospital ang resulta ng swab test bago asikasuhin ng mga ito ang kanyang pamangkin. Dahil dito kaya hindi na naagapan pa ang pamangkin ng netizen at tuluyang pumanaw.

Hindi inakala ng mga ito na sa simpleng pagkakalunok lamang ng candy magtatapos ang buhay ng naturang bibong bata. Dahil dito kaya nagluluksa ngayon ang kanilang pamilya sa pagpanaw ng pamangkin nito sa murang edad lamang.


Kaugnay nito, upang maiwasan ulit ang naturang trahedya ay binigyang babala ng netizen ang iba pang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak kahit sa pinakasimpleng bagay.

Mensahe pa nga ni Quiroz sa kanyang viral Facebook post,


“To all parents po. Be aware po tayo sa mga anak natin lalo na po ‘yung maliliit pa. Kailangan po nila ng gabay… 

“Di namin inaasahan nang dahil sa isang iglap lang po, mawawala siya. Hindi na kinaya ng pamangkin kong 4years old ang mabuhay pa! Nalunok niya diretyo ‘yung Chewy candy (For clarifications po, hindi po pala jelly ace. Sorry po)

“Nahirapan na po siyang huminga. Tinary nila i-revive pero hindi na po talaga na-agapan gawa ng sinwabtest daw muna at inantay ang result ng hospital ng Baybay, Leyte bago asikasuhin. Emergency naman po ‘yun. Sinabe naman po kung ano nakalunok ng  bata!”

Dagdag pagbabahagi pa ng netizen, napakalambing umano ng naturang bata kaya naman mahirap sa mga ito na tanggapin ang nangyari. Gayunpaman, wala na silang magagawa pa kundi unti-uting tanggapin ang sinapit ng kanyang pamangkin.

Agad naman na naging viral ang Facebook post na ito ni Quiroz na agad umani ng mahigit sa 25,000 na mga reaksyon. Karamihan sa mga ito ay ikinalungkot din ang nangyari sa bata. Ngunit, nagbigay din ng pagkabahala ang naturang pangyayari para sa mga magulang.


Karamihan sa mga netizen na ito ay naghayag ng kanilang pag-aalala para rin sa kanilang mga anak. Naging dahilan ang naturang post upang mas bantayan pa umano ng mga ito ang kanilang mga anak kahit na sa pagkain lamang ng candy na maaari palang maging sanhi ng pagkawala ng buhay.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment