Wednesday, March 17, 2021

First love ni Lola na Nang-ghost Mahigit Anim na Dekada na Ang Nakalipas, Muli Niyang Nakausap Ngayon!


Ika nga, “First love never dies.” Sa mahigit anim na dekada na lumipas ng nawaglit na pag-iibigan, mananatiling buhay pa kaya ang mga katagang ito?

Ang kwento ng pag-iibigan nina lola Avelina Gamabala-Cordova na ngayon ay 83 anyos na at ng kanyang irog na si lolo Guillermo Mendoza na ngayon ay 86 na ay siyang magpapatunay na first love never dies.

Sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho na ipinalabas noong Marso 14 pinakilig nina lola Avelina at lolo Guillermo ang mga manonood.

Mahigit anim na dekada na ang makalipas nang magkaroon ng first love si lola Avelina na si lolo Guillermo. Nagsimula ang kanilang kwento nang lumuwas si lola Avelina sa Maynila mula Tarlac noong 17-anyos pa lang siya upang tumuloy bilang isang kasambahay. Sa pagkakataong ito dito niya nakilala si lolo Guillermo na noon ay 18 anyos at isang  amateur boxer.

Matipuno, matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata kung ilarawan ni lola Avelina si lolo Guillermo. Sa pagbabalik tanaw niya si lolo Guillermo daw ang pinakaunang lalaki na nagsabi na mahal siya. Minsan nagpapadala ng sulat, minsan naman tumatawag hanggang sa nangligaw si lolo Guillermo at sinagot naman ng matamis na “oo”ni lola Avelina.

Kwento ni lola Avelina, madalas raw sila umupo sa tabing dagat ng Roxas Boulevard at hindi kalian man sinubukan ni lolo Guillermo na halikan siya sa labi kundi dampi lamang sa pisngi. Nagtaggal ang kanilang relasyon ng apat na taon nang bilang na lang naglaho at hindi na nagparamdam sa kanya si lolo Guillermo.  


Sinubukan niyang puntahan ito sa bahay nila ngunit nang magkita sila hindi daw nito hinarap ang kanyang mukha kay lola Avelina. Lalong nagkaroon ng tensyon nang natuklasan niyang ginawan ng proyekto ni lolo Guillermo ang kanyang pamangkin. Duda niya na may namamagitan sa kanila ng kanyang pamangkin at kay lolo Guillermo.


Sa kanyang pagdududa at galit umuwi siya sa tarlac at doon nakilala ang kanyang naging asawa at nagkaroon sila ng siyam na anak.

“Nanghihinayang, pero na-asawa agad ko eh. Doon ko naibuhos ang sama ng loob ko. Masaya ako sa mga anak ko pero sa naging asawa ko hindi ko alam kung masaya ako o hindi eh. Ganito rin kaya ang buhay ko pagka si Guillermo ang naging asawa ko?”, paglalabas loob  ni lola Avelina.

Nang naging biyuda si lola Avelina sa taong 2017 dito na niya madalas na napapaginipan si lolo Guillermo.

“Habang tumatagal naiisip ko bakit kaya iniwan niya ako. Sabi naman ng anak ko, pag andyan na siya ano ang gagawin nyo? Sabi ko tatakbo tas yayakapin ko siya.”

Sa Malate, Maynila natunton ng programang KMJS si lolo Guillermo. Sa litratong ipinakita sa kanya, naaalala niya si lola Avelina.  

Sabi pa nga niya na si lola Avelina kanyang inspirasyon na kahit sino pa daw ang kaharap niya sa boxing sa tingin niya napakaliit lamang nito. Marami man siyang natipuhan ngunit kay lola Avelina lamang bumigay ang kanyang puso.

“Napamahal siya sa akin. Tinutumbasan ko naman ng pagmamahal. Sa katunayan nga kung kami kakain halos isang kutsara lang ang aming ginagamit. Susubuan ko siya, suubuan niya ako. Parati ko sinasabi sa kanya I love you. Talagang inlab na inlab ako sa kanya. Sa katunayan, hindi ko siya ginawan ng kahit ano mang kahalayan. Paborito kong bulaklak ang sampaguita. Sa tuwing inaamoy ko ang sampaguita, dadapo sa akin, naalala ko siya. Siya yung aking nalalanghap. Gusto ko siyang iharap sa dambana na malinis, parang anghel”, masayang pagkukuwento ni lolo Guillermo.

Ganunpaman, inamin ni lolo Guillermo na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan. Ang pagdududa ni lola Avelina ayon sa kanya ay walang katotohanan.

“Nakasalubong ko siya, sinabi ko sa sarili ko, ayaw na siya sa akin. Nawalan kami ng kontak. Sinabi ko sa sarilli ko, hihintayin ko ang pagkakataon na magkita pa tayo muli. Parati ko siyang tinatanong sa aking damdamin. Asan ka Avelina. Parati siyang nasa isip ko, nasa puso ko. Hindi nga lang kami nagkaroon ng pagkakataong magkita muli. Naging maramot sa amin ang pagkakataon”, dagdag ni lolo.

Nang nagtapos ang kanilang relasyon nakapag-asawa na din si lolo Guillermo at nagkaroon ng anim na anak.

Ngunit katulad ni lola Avelina naging biyudo din siya nang mamatay sa diabetes ang kanyang misis. Inamin ni lolo Guillermo na  hanggang ngayon patuloy siya na kanyang konsensya.

Nais niyang humingi ng patawad kung pagtagpuin man sila muli.


“Ang una-unang sasabihin ko sa kanya patawad sa aking mga nagawang pagkakamali. Kung mapapatawad mo ako, mapapatuloy natin yung nawaglit nating pagmamahal. Yan naman talaga ang batas, habang may buhay may pagmamahal, may pag-ibig.”

Via video call nag-usap muli sina lola Avelina at lolo Guillermo at sa puntong ito nasabi na nila sa isat-isa ang matagal na nilang gustong sabihin sa loob ng mahigit anim na dekada.

Pinadalhan naman ni lolo Guillermo si lola Avelina ng paborito nilang bulaklak, sampaguita at mga litrato nila noon na may nakasulat pa na nagsasabing, “I love you, I care for you, till we meet again. I will wait for your response. I love you very much.”

Sinagot naman ito ng “I love you  na rin”ni lola Avelina.

 “Muling nabuhay yung namatay kong pag-ibig ko sa kanya. Nakikita ko na mahal na mahal ko pa siya”, masayang paghayag ni lolo Guillermo.

Sa kanilang pag-iibigan, tunay ngang first love never dies bagamat hindi sila itinadhana sa dambana. 

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment