Sa mundong ating ginagalawan hindi natin maitatanggi na mayroong mga kamangha-mangha at mga kakaibang kaganapan ang bigla-bigla na lang susulpot sa ating mga mata. Marahil ito ay isa sa mga dahilan kung bakit tila ba ay hindi nauubusan ang tao ng mga panibagong natutuklasan. May mga pagkakataon na tayo ay nagugulat, natatakot o natutuwa sa mga panibagong diskubre na ito. Hindi man araw-araw ay may nadidiskubre ngunit araw-araw may naghihintay rin sa wakas ay madiskubre.
Katulad nalang ng isang bolang lumutang sa dagat na kung tingnan ng mag-asawang sina Annie at Gilbert mula Poole Dorset ay isang karaniwang na bola lamang.
Sa maaraw na panahon sa isla ng Wight kung saan nais lamang ng mag-asawa ay mangisda ngunit nang sa di inaasahang pagkakataon sa halip na isda ang kanilang makuha ay isang bola ang lumutang. Nang ito ay kanilang tuluyang hilahin at iahon sa tubig ay mayroong kakaibang bungkos ang nakakabit sa ilalim nito na siyang parehong bumigla at nagpatuwa sa kanila.
Ang sa una ay isang karaniwang bola lamang, nang ito ay iahon halos kalahati nito ay nababalutan ng bungkos-bungkos na talaba na makikitang nakapwesto ng maayos sa kalahating parte nito na mas nagpamangha sa kanila.
Sa tingin naman ni Annie na maaaring matagal ng nagpalutang-lutang sa dagat ang natuklasang bola kung kaya ay sa katagalan nito tinirhan na ito ng bungkos-bungkos na talaba.
Nais man sana ng mag-asawa na iuwi ang kanilang nadiskubre mas minabuti na lang nila na panatilihin ito sa katubigan dahil maaaring sa susunod na ito ay makita muli kung hindi man sila ay buong bola na ang nababalutan ng talaba. Kaya kinuhanan na lamang nila ito ng litrato at inupload sa social media. Katulad nila marami din ang namangha sa kanilang natuklasan at umani ito ng mga komento na kung basahin ay sadyang natutuwa dahil bihira at iilan nga lang din ang makatuklas ng gaya nito.
Sino nga naman ang mag-aakala na ang isang karaniwang bola kung tingnan sa unang tingin ay higit pa sa karaniwang bola?
Napamangha man tayo ng bolang ito ngunit dapat pa din natin isa-isip na may natatanging tirahang nararapat sa bawat nilalang sa lupa at sa karagatan. Kung kaya isang nakakaalarmang balita ang paglilipat tirahan ng mga nilalang na ito dahil marahil ibig sabihin nito ay unti-unting nawawala at nagugulo ang kanilang mga tirahan. Dahil sa kanila na din natin kinukuha ang mga pangunahin nating pangangailangan, isang malaking responsibilidad rin ng bawat isa na panatilihin ang bawat lahi ng mga nilalang na ito ang mabuhay.
Isa sa mga mahigpit na pinapaalala sa atin ay ang hindi pagtapon ng basura sa kung saan-saan lang lalong-lalo na sa dagat. Dahil sa huli, tao lang din ang magsisisi.
Siguro ay kinailangan lamang natin ng isipan na marunong magtaka, magtanong, at mapag-usisa kung gusto nating tumuklas ng mga bagong bagay na maaaring hindi lamang magpamangha at magpatuwa sa publiko kung hindi magbigay aral na din. Maaaring ang bawat diskubre ay may kaakibat na mensahe at nasa sa atin kung paano isasawalang bahala natin ito o bigyang kahulugan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment